2 gold pagsisikapan nina Buenavista at Bulauitan
October 7, 2002 | 12:00am
BUSAN Dalawang ginto ang nakaumang sa panimula ng athletics event kung saan hangad nina Eduardo Buenavista at Lerma Bulauitan na makapagtala ng magandang performance sa panimula ng track and field competition sa Busan Main Stadium.
Ngunit nakatuon ang pansin ng lahat sa long distance runner na si Bue-navista na may pinakamaningning na pag-asa para maibsan ang 12-taong pagkakauhaw ng bansa sa gold medal.
Ang 24-anyos na tubong South Cotabato na si Buenavista, gold medalist sa nakaraang Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia noong 2001, may magandang record sa 10km Adidas King of the Road series na ginanap sa Hong Kong noong nakaraang Marso na siyang pinakamagandang tinapos ng isang Asyano ngayong taon, tatakbo si Buenavista sa 10,000m.
Sa kabilang dako, sisikapin ni Bulauitan-Gabito at Marestella Torres ang kanilang suwerte sa finals ng womens long jump at tatakbo naman si Ernie Candelario sa heat ng 400m.
At may basbas ng suwerte, kapag nakalundag si Bulauitan-Gabito ng higit sa kanyang personal best na 6.46m, malamang na magbigay ito ng sorpresa sa medal standing na sapat para sa bronze.
Ang tatlong pangunahing finishers sa nakaraang 1998 Bangkok Asian Games ay hindi kabilang sa lalahok, ngu-nit kailangang bantayan ang mga baguhang sina Maho Hanaoka ng Japan na may personal best na 6.82m at kakamping si Kumiko Ikeda na may 6.78m. Naririyan din si Anju Bobby George ng India na may personal best na 6.74m. (Ulat ni DMV)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest