1 silver pa sa bowling
October 7, 2002 | 12:00am
BUSAN, South Korea Ang kabiguan ng womens trio ay bahagyang tinakpan ng konting liwanag makaraang masungkit nina Chester King, CJ Suarez at Botchok Rey ang silver at bronze medal naman mula sa womens golf team na pumatid sa uhaw sa kampanya ng bansa kahapon sa pagpapatuloy ng 14th edition ng Asian Games.
Nagpagulong ng kabuuang 3,874 pin-falls sina King, Suarez at Rey upang makubra ang silver sa mens trio.
Mula sa ikaapat na posisyon matapos ang first block, sinunog nina King na may kabuuang 1,305 sa kanyang pinagulong na 189, 233, 201, 229, 238 at 215, Suarez 248, 193, 233, 160, 174, 253 (1,251) at Rey, 221, 188, 225, 212, 249, 223 (1,318) ang lane ng Homeplus Bowling Alley na kapos lamang ng ilang pinfalls para sa nag-gold na Singapore, 3,961.
Ngunit may kahati sa silver ang RP bowlers makaraang umiskor din ng magkatulad na 3,874 ang tatluhan ng United Arab Emirates.
"Ganyan talaga sa bowling, minsan nasa itaas ka, tapos pagkatapos ng isang araw bababa naman," patungkol ni Steve Hontiveros, pangulo ng Philippine Bowling Congress sa masaklap na pagbagsak ng womens trio na makaraang pumangalawa sa first block ay nagbanderang kapos sa second block at malaglag sa 8th place.
Ang womens trio nina Liza del Rosario, Liza Clutario at Cecillia Yap ay nagtala ng 3,641 pinfalls. Nakuha ng Korea ang gold, silver sa Chinese-Taipei at bronze sa Malaysia.
Nasungkit naman nina Heidi Chua, Ria Denise Quiazon at Carmellete Villaroman ang bronze sa womens golf event sa kanilang hinataw na 603 pagkatapos ng apat na rounds. Nakuha ng host South Korea ang gold sa kanilang pinalong 577 at silver naman sa Japan na may 579.
Makalipas ang walong araw ng kompetisyon, ang Philippines ay may naipon nang 1-gold, 2-silvers at 6-bronzes.
Samantala, umusad naman sa semis ng 9-ball doubles ng tambalang Francisco Bustamante at Antonio Lining makaraang magwagi sa Chinese duo na sina Kai Zhang at Jainbo Fu, 11-8. Ang semis ay kasalukuyang nilalaro habang sinusulat ang balitang ito. (Ulat ni Dina Marie Villena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended