Pangarap na ginto
October 5, 2002 | 12:00am
BALE wala na ang laban ng Philippine team kontra defending champion China sa Oktubre 8 dahil sa kahit na ano ang mangyari doon ay pasok na naman sa semifinal round ang tropa ni coach Joseph Uichico.
Katunayan, medyo ginugulangan tayo ng host South Korea sa schedule. Kasi, ang huling laro ng Koreans na kontra Kazakhstan ay sa Oktubre 9. At kayang-kaya din ng Koreans ang Kazakhstan na nagwagi lamang sa Qatar ng isang puntos sa elimination round.
So, halimbawang magwagi tayo sa China sa katapusan ng ating elimination round schedule sa pag-asang ang makalaban natin sa semifinals ay ang No. 2 team ng kabilang grupo at mapuwersang magtagpo nang maaga ang China at Korea, malamang sa hindi iyon ang mangyari.
Kung tatalunin natin ang China sa Oktubre 8, tiyak na magpapatalo ang South Korea sa Kazakhstan upang maging No. 2 team lang sila sa kabilang grupo at makaiwas sila sa maagang pakikipagtuos sa China.
Lahat naman ng teams ay umiiwas na makatagpo ang China sa semis dahil kapag nagkaganoon ay malaki ang pusibilidad na matalo sila at hindi makaabot sa Finals.
Tiyak namang hindi natin makakaharap sa semis ang China na ka-grupo nga natin. Pero ang tiyak ay makakalaban natin ang South Korea sa yugtong iyon.
At hindi tayo nakakasiguro laban sa South Korea. Malakas ang koponang ito. Hindi nga bat dinurog ng Koreans ang Japan samantalang tayoy nahirapan bago nagwagi, 79-74 laban sa koponang iyon? Kung ito ang gagamiting basehan, abay tiyak na kakailanganin ng tropa ni Uichico ang higit na hard work at dasal.
Bukod sa malakas ang South Koreans, sila pa ang host ng 14th Asian Games. Natural na ang hometown crown ay pabor sa kanila. Sa sigawan at hiyawan pa lamang ay tiyak na malulunod na ang cheers ng kakarampot na kampo ng Pinoy na kinabibilangan ng ibang mga atleta natin.
At huwag na nating banggitin pa ang mga referees!
So, talagang madugo ang dadaanan nina Uichico upang makarating lang sa Finals at makatiyak ng silver medal na mas mataas kaysa sa naiuwi natin sa Bangkok Asian Games apat na taon na ang nakalilipas.
Kaya nga naiiintindihan natin kung bakit itong si Eric Altamirano na isa sa mga assistant coaches ng Philippine Team ay palaging nagpapadala ng text messages sa mga kaibigan niya dito sa Pilipinas at humihingi ng support sa pamamagitan ng panalangin.
Sabihin na nating nangangarap tayo sa ating misyong maiuwi ang gintong medalya sa mens basketball competition ng Asian Games dahil sa mahirap tibagin ang South Korea at China. Pero wala namang masama kung mangarap tayo, eh.
Isa pa, ginawa naman natin ang lahat ng makakaya nating gawin upang magkaroon ng buhay ang ating pangarap.
Ang masama ay eh yung nangangarap tayo pero nakaupo lang tayot nakatunganga!
HAPPY birthday kay Louie de Jesus na magdiriwang ngayon. May pa-tournament siya sa Amber Ihaw-Ihaw mamayang gabi at tiyak na dudumugin iyon ng mga darters.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended