^

PSN Palaro

Peñalosa, Tokuyama rematch sa Dec. 20

-
Tuloy na ang title rematch ni WBC International super flyweight champion Gerry Peñalosa kontra Japan-born North Korean Masamori Tokuyama sa Dec. 20 sa Osaka, Japan, ito ang kinumpirma kahapon ng kanyang manager at abu-gadong si Rudy Salud.

Tumawag ang kilalang Japanese boxing manager, matchmaker at journalist na si Joe Koizumi kay Salud upang kumpirmahin ang nasabing laban na nakansela dahil sa pagkakaroon ng injury sa kamay ni Tokuyama sa kanyang huling title defense kontra Mexico’s Erik Lopez noong nakaraang Agosto 26 kung saan nanaig si Tokuyama sa sixth round sa pamamagitan ng TKO.

Kasalukuyang nagsasagawa si Peñalosa ng light workout regimen, subalit makukuha din niya ang tempo at intensity ng kanyang prepa-rasyon para kay Tokuyama sa kanyang pag-alis patungong Los Angeles sa Nov. 3 upang mag-train sa mga mata ng American ace Freddie Roach sa kanyang Wild Card Gym malapit sa Hollywood at siya ay magbabalik sa nasabing araw makaraang tapusin ang kanyang commitment upang mag-train naman kay Johnny Tapia para sa kanyang laban kontra Marco Antonio Barrera sa kaagahan ng buwan ng Nobyembre.

Galing si Peñalosa sa impresibong seventh round TKO panalo laban kay Seiji Tanaka upang pagandahin ang kanyang ring record na 46-4-2 na may 31 KO’s, habang magsasagawa naman si Tokuyama ng kanyang ikaanim na depensa sa titulo na kanyang naagaw mula kay South Korean In Joo Choo noong Agosto 27, 2000.

Napanatili ni Tokuyama ang kanyang titulo noong nakaraang taon sa kanyang kontrobersiyal na decision kontra kay Peñalosa.

AGOSTO

ERIK LOPEZ

FREDDIE ROACH

GERRY PE

JOE KOIZUMI

JOHNNY TAPIA

KANYANG

LOS ANGELES

MARCO ANTONIO BARRERA

TOKUYAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with