^

PSN Palaro

RP pugs sasabak na

-
BUSAN, South Korea -- Aakyat na sa lona ang dalawang Pinoy boxers upang simulan ang kanilang kampanyang makabangon mula sa nakakadismayang performance noong 1998 Bangkok Asian Games sa panimula ng boxing competition sa 14th Asian Games dito.

Makikipagpalitan ng kamao ang 24-anyos na Zamboangueño na si Harry Tanamor kay Kyaw Swar Aung ng Myanmar sa lightflyweight division habang ang beteranong Olympian na si Romeo Brin ay makikipagsuntukan kay Bayanmunkh Bayanjargal ng Mongolia sa lightweight division.

Bagamat matinik ang daan patungo sa pagsungkit ng medalya sisi-kapin ng mga boksingero na maiangat ang antas ng kanilang katayuan matapos na mabokya sa Bangkok Asian Games noong 1998.

Magiging basehan ni Tanamor ang kanyang magandang record sa mga nagdaang international events na sinalihan ngayong taon kung saan may dalawa itong gold at dalawang silver na maipagmamalaki.

Sa kabilang dako, malaki naman ang tsansa ng beteranong si Brin, nag-silver sa Finland tournament kontra sa Mongolian na kalaban para makausad sa susunod na round.

"Basta ako laban," ani Brin, perennial gold medalist sa Southeast Asian Games at tumapos ng runner-up kamakailan sa Tampere Cup sa Finland.

Huling sumungkit ng ginto ang boxing team noong 1994 Hiroshima kung saan nagwagi sina Onyok Velasco, Reynaldo Galido at Elias Recaido kung saan si Anthony Igusquiza ay nakakuha naman ng bronze medal sa nasabing meet. (Ulat ni DMV)

ANTHONY IGUSQUIZA

ASIAN GAMES

BANGKOK ASIAN GAMES

BAYANMUNKH BAYANJARGAL

ELIAS RECAIDO

HARRY TANAMOR

KYAW SWAR AUNG

ONYOK VELASCO

REYNALDO GALIDO

ROMEO BRIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with