^

PSN Palaro

Makulay at madamdaming opening sa Asiad

-
BUSAN, South Korea -- Naging makulay at madamdamin naman ang opening ceremony ng quadrennial sports event na tinampukan ng pagkakaisa ng host South Korea at North na magkahawak kamay na pumasok sa loob ng Busan Main Stadium bitbit ang ‘Habando’ flag.

Ang tema ng opening ceremony ay "A Beautiful Meeting" na nagdidiwang din ng kauna-unahang Asian Games ng bagong milenyo.

Simula ngayong araw magiging abala ang Pambansang delegasyon sa pagsabak ng karamihang atleta sa kani-kanilang events dito sa 14th Asian Games sa malamig at bulubunduking probinsiya ng South Korea.

Siyam na gintong medalya ang nakataya para sa mga atletang Pinoy sa limang events na kanilang sasalihan sa pangunguna ng pambatong siklista na si Victor Espiritu na lalahok sa 50km Individual Time Trial.

Ang unang amateur na naging Marlboro Tour king na si Espiritu ay papadyak sa ganap na ala-una ng hapon pagkatapos ni Marites Bitbit sa women’s 24km ITT.

Lulusong naman sa swimming pool ng Sajik swimming pool ang apat na Pinoy swimmers na sina Miguel Molina, Heidi Ong, Raphael Chua at Luisa Dacanay sa pang-umagang heat at umaasang makapasok sa finals ng kani-kanilang event.

Lalangoy si Molina sa 200m individual relay, si Ong sa women’s 200m freestyle, si Chua sa 100m breaststroke at si Dacanay naman sa 200m butterfly.

Makikipag-eskrimahan naman si Lenita Reyes sa women’s individual sabre ng fencing habang ang judoka na si Aisa Marie Ano ay makikipagtunggali sa 78kgs. ng women’s judo.

Magpapakita ng lakas ang Pinay weightlifter na si Diwa Alegada sa kanyang pagbuhat sa 48kgs., ng weightlifting event sa Pukyong National University stadium.

Ngunit ang pinakaaabangan ay ang muling pagtapak ng RP-quintet sa basketball court ng Geomjong gymnasium sa kanilang pakikipagharap sa matatangkad na North Koreans sa ganap na alas-5:00 ng hapon para sa kanilang ikalawang panalo na maglalagay sa kanila bilang top team sa Group C.

Ang iba pang Pinoy na sasabak sa aksiyon ngayon ay sina rowers Jose Rodriguez, Benjamin Tolentino, Alvin Amposta at Nestor Cordova, sepak takraw players Danilo Alipan, Nisan Lejan Cal, Harrison Castanares, Charlie Magtangob, Hector Memarion at

Gedemhor Singco.

vuukle comment

A BEAUTIFUL MEETING

AISA MARIE ANO

ALVIN AMPOSTA

ASIAN GAMES

BENJAMIN TOLENTINO

BUSAN MAIN STADIUM

CHARLIE MAGTANGOB

DANILO ALIPAN

PINOY

SOUTH KOREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with