Korona makuha na kaya ng Ateneo?
September 29, 2002 | 12:00am
Tapusin na kaya ng Ateneo Blue Eagles ang dominasyon ng De La Salle University o makahirit pa kaya ng isa pang pagkakataon ang Archers?
Ito ang ilan lamang sa mga katanungang nakatakdang sagutin ng dalawang koponan sa Game-Two ng kanilang best-of-three championship series ng 65th UAAP mens basketball tournament sa Araneta Coliseum.
Nakatakda ang muling engkuwentro ng Archers at Blue Eagles sa alas-4 ng ha-pon.
Abot kamay na ng Katipunan base-dribblers ang korona matapos na makauna sa Game-One noong Huwebes nang kanilang maungusan ang Archers sa iskor na 72-70.
Batid ni Ateneo coach Joel Banal na di magiging madali para sa kanila ang kinakaharap na laban dahil inaasahan niyang gagawa ng eksplosibong taktika si coach Franz Pumaren upang hilahin ang deciding Game- Three.
"Im really happy that we are up 1-0, but celebrating is the least thing we wanted to do. We know La Salle is all fired up to bounce back and win. But well be ready for them, we just have to maintain the intensity we had in our last game," wika ni Banal.
Laking pasalamat ni Banal nang dalawang beses na masupalpal ng kanyang bataan ang tangka ni Mark Cardona upang hatakin ang laban sa extra limang minuto na siyang nagbigay ng mataas na morale boost kina Enrico Villanueva, Wesley Gonzales, Rich Alvarez, LA Tenorio at Larry Fonacier upang pagsumikapang iposte ang kanilang tagumpay ngayon.
Gayunman, para kay Pumaren, ang kanilang pagkatalo ay hindi nangangahulugan na hindi na makakabangon ang Archers.
" I still trust my players capability. The loss made them more hungrier and angrier to beat Ateneo and go for the win, It takes two games to win the title, its still a long way," sabi naman ni Pumaren na umaasang mabibigyan niya ang Archers ng ikalimang korona.
Samantala, sisikapin naman ng UP Baby Maroons na tuluyan ng ma-kopo ang korona sa kani-ang pagtitipan ng Ateneo Blue Eaglets sa alas-2 ng hapon matapos ang sagupaan sa pagitan ng La Salle Lady Archers at FEU Adamson Lady Falcons sa alas-12 ng tanghali. (Ulat ni Maribeth Repizo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest