RP-5 kontra sa UAE
September 28, 2002 | 12:00am
BUSAN -- Mapapasabak na sa aksiyon ang sikat na basketball team sa kanilang pakikipagharap sa United Arab Emirates ngayon upang simulan ang kampanya ng Philippines sa 14th Asian Games dito.
Inaasahan ng mga Filipino cagers ang mabigat na hamon sa kanilang alas-3:00 ng hapong (alas-2:00 sa Manila) pakikipaglaban sa Arabs ngunit kumpiyansa si Jong Uichico na kanilang malulusutan ang una sa kanilang dalawang elimination matches sa Group C.
Pagkatapos ng rest day sa Linggo para sa opening ceremony, mag-babalik ang mga Pinoy sa Geumjeong gymnacium sa Lunes, September 30 upang harapin ang North Korean na siyang malaking alalahanin para kay Uichico dahil nasa kanila ang pinakamataas na atleta sa Asiad, ang 7-foot-9 na sentrong si Ri Myonghun.
"Were here to win. We take pride in representing the nation and we will play with all our hearts to get back that elusive one," ani Uichico ukol sa basketball gold na huling natikman ng Philippines noong 1962.
Hindi sigurado kung makakapaglaro si Andy Seigle na may back spasms kontra sa UAE ngunit itoy maliit na problema lamang di gaya ng pagkawala ng kanyang kapatid na si Danny na napunitan ng kaliwang Achilles tendon sa exhibition match ng RP team kontra sa Qatar noong nakaraang linggo at pinalitan ni Mick Pennisi.
"The boys have adjusted to the loss of Danny," ani Uichico na nagsabi ring darating ngayon dito ang naturang player na naka-crutches upang bigyan ng morale support ang kanyang mga kasamahan laban sa mga Arabo.
Makakalaban ng North Korean ang UAE sa Linggo na siyang magbi-bigay kay Uichico at sa kanyang coaching staff na kinabibilangan nina Allan Caidic, Eric Altamirano, Binky Favis, David Zamar at consultant Paul Howard ng tsansang pag-aralan ang Nokors sa kauna-unahang pagkakataon.
Nasa group A ang defending champion China, Hongkong at Kuwait, nasa Group B naman ang South Korea, Japan at Mongolia habang sa Group B, magkakasama ang Qatar, Kazakhstan at Chinese Taipei.
Tanging malaking balakid sa mga Pinoy ang China na binubuo ng ma-lakas na all-pro selection.(Ulat ni Dina Villena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended