Ito ang naging obserbasyon na ginawa ni Milo Sports Executive Jackby Jaime na ayon sa kanya, ang pawang mga natapos ng provincial races sa ngayon ay nagpamalas ng dramatikong pagtaas ng bilang ng mga kalahok partikular na sa katatapos pa lamang na Kidapawan City leg na mayroong nagrehistrong 3,600 runners na sa ikalawang pagkakataon pa lamang ng kanilang pagho-host ng prestihiyoso at pinakamahabang running distance program.
At sa susunod na yugto sa Linggo na gaganapin sa Olongapo City, inaasahang hahakot ito ng mahigit sa 5,000 entries at bunga nito, inaasahan na hindi lang matatapatan kundi mahihigitan pa ng 26th National Milo Marathon ang kanilang target na 50,000 runners na lumahok dito.