^

PSN Palaro

Epekto ng exhibition game kontra sa Qatar

SPORTS LANG.... - Dina Marie Villena -
Maganda sanang preparasyon ang pinahabol na exhibition game ng RP-Selecta Team kontra sa Qatar ngunit hindi naging maganda ang resulta nito para sa Pambansang koponan.

Ilang araw na lamang ang natitira bago tumulak ang RP Five para sa kanilang napakahirap na misyon eh, nawala pa ang isang key player sa koponan.

Wala nang pag-asa pang makasama si Danny Seigle sa Busan Games dahil agad-agad ang isinagawang operasyon sa kanyang napunit na achilles tendon sa kaliwang paa at anim na buwan itong kailangang makarekober.

Kung kailan pa naman malapit na ang Asian Games ay saka pa nangyari ito.

Ngunit sa isang banda ay maganda na rin na dito nangyari ang masamang trahedya kaysa naman sa Busan pa na-injured si Seigle.

At least, magagawan pa ng remedyo ni coach Jong Uichico ang pagkawala ni Seigle bago pa man umalis ang koponan bukas o di kaya ay sa Huwebes.
* * *
Kawawang Danny Seigle, pinilit nitong makarekober sa kanyang injury sa kanang binti upang makasama sa National team na siyang inaasahang magbabalik ng glorya sa larangan ng basketball sa Pilipinas.

On and off siya sa paglalaro sa National team sa PBA dahil iniingatang madisgrasya ang kanyang kanang binti ngunit sa kasamaang palad, nangyari ang hindi inaasahan.
* * *
ahit nabawasan ang puwersa ni coach Jong Uichico, determinado pa rin siyang tuparin ang isang napakabigat na misyong iniatas sa kanya.

Sabi ni Uichico, marami namang puwedeng pumuno sa nabakanteng puwesto ni Seigle at kailangan lamang magtrabaho ng husto ang mga players para maisakatuparan ang kanilang misyon.

ASIAN GAMES

BUSAN

BUSAN GAMES

DANNY SEIGLE

HUWEBES

JONG UICHICO

KAWAWANG DANNY SEIGLE

SEIGLE

SELECTA TEAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with