^

PSN Palaro

Red Bull humirit ng sudden death

-
Naipuwersa ng defending champion Batang Red Bull ang winner-take-all Game- Seven matapos hatakin ang 86-78 panalo kagabi sa Game Six ng PBA Samsung Commissioner’s Cup finals sa PhilSports Arena kagabi.

Isang malaking rally ang isinagawa ng Red Bull upang makakawala sa mahigpit na laban na ibinigay ng Talk ‘N Text upang maitabla ang best-of-seven championship series sa 3-all.

Mula sa 72-70 kalamangan ng Phone Pals, pinangunahan ni Julius Nwosu ang mainit na 16-1 run upang ibandera ng Thunder ang 86-73 pangunguna na kanilang naging tuntungan sa kanilang tagumpay.

Maghaharap ang Talk ‘N Text at Thunder para sa deciding Game Seven na gaganapin bukas sa Araneta Coliseum sa alas-6:30 ng gabi upang matukoy kung sino ang tatanghaling kampeon ng ikalawang kumperensiyang ito.

Tumapos si Nwosu ng 28-puntos, 13 rebounds, isang assist at 2 blocks para sa Thunder, habang naging malaking kontribusyon naman sa depensa si Davonn Harp na nagsumite ng 16 puntos, 5 rebounds at 3 assists.

"Julius (Nwosu) step up for us tonight, offensively and defensively," pahayag ni coach Yeng Guiao. "He won the game for us tonight."

Pagkatapos ng laro, imbes na makipagkamay sa winning coach, dumiretso si coach Bill Bayno kay Ricky Palou upang magreklamo na inaasahang maging dahilan upang ipatawag ito ng commissioner’s office dahil sa kanyang hindi magandang inasal.

Kumayod si Nwosu ng 12 puntos sa ikaapat na quarter, triple ng produksiyon nina Pete Mickael at Jerald Honeycutt na apat na puntos lamang ang kanilang naikunekta.

"Labu-labo na’to, free-for-all na ang labanan," ani pa ni Guiao. "If we can carry the momentum from this game, I think we can win the title."(Ulat ni Carmela V. Ochoa)

ARANETA COLISEUM

BATANG RED BULL

BILL BAYNO

CARMELA V

DAVONN HARP

GAME SEVEN

GAME SIX

N TEXT

NWOSU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with