Skygo Rider inubos ang cheese Ball-Shark
September 17, 2002 | 12:00am
Binalewala ng Skygo Riders ang kalidad ng PBL champions nang kanilang talunin ang Regent Cheese Ball-Shark, 67-66 sa pagsisimula kahapon ng hostilidad ng 1st PBL-CBF Dual Meet sa Makati Coliseum.
Nagpakitang gilas si Alano Caputolan nang humakot ito ng 17 puntos at 13 rebounds bukod pa ang supalpal upang pangunahan ang paghahatid sa magandang debut ng Skygo Riders.
Dalawang free throw ni Caputolan sa huling maiinit na bahagi ng sagupaan mula sa foul ni Francis Sanz ang siyang nagligtas sa Skygo Riders.
"I did not really expect to win. We know how strong PBL teams are especially Shark, which won two league titles. But I told the boys to keep their composure down the stretch," pahayag ni coach Edsel Valena, dating reserved player ng Sergs sa PABL noong 1987.
"Medyo nag-collapse yung opensa namin sa endgame. So I told the boys to step up on defense, we have good chances in the last 6.3 seconds since we still have two fouls to give," dagdag pa niya.
Inihayag din ni Valena na kahapon lamang nakumpleto ang kanyang koponan. Ngunit ang reinforcements na sina Jercules Tangkay, Bruce Dacia, Randy Lopez at Jessie Lumantas ay mabilis na nag-jell sa team na nagbigay sa Cheese Ball-Shark ng mahigpit na laban.
Sa umpisa pa lamang ng laban ay nagawang makipagsabayan na ng Skygo nang kanilang iwanan ang Shark ng maraming ulit ng pitong puntos na ang huli ay sa 52-45, may 2:19 ang nalalabing oras.
Sinikap ng Regent-Shark na makabalik, ngunit hindi ito nakalusot dahil sa matatag na depensa ng kalaban. Tanging si Ernani Epondulan lamang ang siyang nakagawa ng puntos sa huling canto nang isalpak ang 12 mula sa kanyang 15 puntos na tinampukan ng triples ang siyang naghatid sa Regent-Shark sa kahuli-hulihang pangunguna, 66-64, may 3:17 ang nalalabi.
Kumana ng 14 puntos, 6 rebounds at 4 assists si Tangkay habang nag-ambag naman si Dacia ng 13 puntos at 7 rebounds para sa Skygo.
Pinamunuan naman ni Rysal Castro ang Shark sa kanyang kina-nang 16 puntos at 9 rebounds habang nagdag-dag ng 10 puntos si Ismael Junio.
Samantala, kasalukuyang nagbabakbakan ang John-O at Hapee-Cebu sa isa pang laban.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended