Momentum nasa kamay ng Red Bull
September 15, 2002 | 12:00am
Nagbunga ang pagsusugal ng defending champion Batang Red Bull na magpalit ng import sa kalagitnaan ng finals ng Samsung-PBA Commis-sioners Cup.
At kung magkakataon, si Sean Lampley ang magiging malaking bagay sa kanilang hangaring maisukbit ang back-to-back title.
Halos hindi kinakitaan ng bakas ng pagkakaroon ng jetlag si Lampley na ora-oradang sumakay ng eroplano upang palitan ang pinauwing si Tony Lang na nagkaroon ng hamstring injury.
At kahit wala pang tulog ay nakapagbigay ng magandang performance upang ihatid sa tagumpay ang Thunder sa pagtatala ng 22 puntos, 9 rebounds upang maging inspirasyon kay Julius Nwosu gayundin ang mga locals tungo sa kanilang 89-81 tagumpay noong Game-Four.
Ito ang nagtabla ng best-of-seven serye sa 2-2 para maging best-of-three na lamang ang labanan at ang mananalo ngayon ay mangangailangan na lamang ng isang panalo para makopo ang titulo.
Nagunit dahil nakapahinga na si Lampley, inaasahang mas matinik ito ngayon sa Game-Five sa Araneta Coliseum sa alas-5:30 ng hapon.
"Given a one day rest, Sean could be tougher," pahayag ni Guiao na naniniwalang nasa kanilang poder ngayon ang momentum. "Game-Four was a crucial game for us and winning it gave us the psychological advantage."
Ayon kay Guiao, kumpleto na ang rekado para sa layunin ng Thunder na maisukbit ang korona.
"With what I saw in our last game, the guys really want to win the championships ang nothing can stop them from doing it," ani Guiao. "We got the right import and the locals. It all depends on how much we really want the title."
Tinutukoy ni Guiao sina Nwosu at Lampley na makakaasa naman sa Best Player of the Conference na si Davonn Harp kasama sina Willie Miller, Junthy Valenzuela, Jimwell Torion at iba pa.
Para sa Phone Pals, hindi pa ito ang kanilang katapusan, naririyan ang Best Import na si Jerald Honeycutt kasama si Pete Mickeal bukod pa kina Gilbert Demape, Donbell Belano at Kenny Evans na kanilang maasahan tungo sa kanilang kauna-unahang titulo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended