CSB Blazers vs SSC Stag sa Finals
September 14, 2002 | 12:00am
Inangkin ng College of St. Benilde ang ikalawa at huling finals slot nang kanilang pasadsarin ang Philippine Christian University, 106-87 sa kanilang sudden-death match kagabi sa pagtatapos ng semifinals ng NCAA men's basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.
Bunga nito, itinakda ng CSB Blazers ang kanilang pakikipagharap sa defending champion San Sebastian College sa best-of-three titular showdown na magsisimula sa Miyerkules.
Eksplosibong laro ang ipinamalas ni Sunday Salvacion sa kanyang paghakot ng 34-puntos, 15 puntos sa ikatlong quarter kabilang ang tatlong tres na pumigil sa pagbangon ng PCU Dolphins.
Ito ay rematch ng kanilang 2000 finals kung saan namayagpag ang Blazers bago nakuha ng SSC Stags ang titulo laban sa Jose Rizal University noong nakaraang taon.
Sa juniors division, pinasadsad naman ng defending juniors champion Letran Squires ang Mapua Institute of Technology, 90-78 upang makuha ang karapatang kalabanin sa finals ang San Beda College.
Magsisimula ang pagtatanggol ng titulo ng Squires sa best-of-three finals sa Miyerkules laban sa SBC Red Cubs na kumubra sa awtomatikong finals slot matapos ma-sweep ang 14-game eli-minations.
Bumawi si John Carl Melegrito sa kanyang pagkabokya sa first half nang humakot ito ng 18-puntos sa second half na nag-angat sa Letran mula sa 48-54 pagkakahuli patungo sa 85-66 kalamangan.
"Its good to be in the finals again, we learned our lesson from our last game where we came out flat," pahayag ni St. Benilde coach Dong Ve-geire. "We played good defense even if we are in foul trouble in the second half."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended