Walo sa top cheerleading squad sa bansa mula sa ibat ibang school leagues ang maglalaban-laban para sa P100,000 top prize at sa Samsung television set kung saan pipili ang Samsung, PSC at POC officials ng 35 mapapalad na kalahok upang bumuo sa RP cheering squad sa Busan, South Korea.
Ang Samsung ang siyang sasagot sa gastos ng mapipiling cheerleaders na makakabilang sa Philippines Asian Games contigent.