UST Tigers buhay ang pag-asa sa Final Four
September 9, 2002 | 12:00am
Nagpakawala ng eksplosibong opensa sa triples ang University of Santo Tomas upang payukurin ang University of the Philippines, 89-83 at panatilihing buhay ang kanilang tsansa sa Final Four ng 65th UAAP mens basketball tournament kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.
Gumamit ang Tigers, nagwagi ng apat na sunod na korona simula noong 1993 ng 15-1 run sa pagbubukas ng huling yugto upang itarak ang 10-puntos na kalamangan, 85-75 na kanilang naging sandigan sa ikapitong panalo ng Espanya-based dribblers matapos ang 12-pakikipaglaban na nagkaloob sa kanila na maungusan ang FEU Tamaraws na nagtataglay ng 5-6 win-loss slate.
Kailangan na lamang ng Uste na maipanalo ang kanilang huling dalawang laro kontra sa FEU at UE Warriors upang pormal ng makapasok sa Final Four.
Humakot si Jemal Vizcarra ng 16 puntos, bukod pa ang limang rebounds, dalawang assists upang pamunuan ang Tigers.
"Suwerte lang sa last five minutes. Napigilan namin ang paghahabol nila. Our running game slowed down UPs big men," ani UST coach Aric del Rosario.
Huling umabante ang Maroons sa 74-70 matapos ang basket nina Toti Almeda at Nestor David may 6:10 ang nalalabing oras. (Ulat ni Maribeth Repizo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended