RP-Selecta vs Spring Cooking Oil
September 7, 2002 | 12:00am
Palalakasin ng national interclub champion Spring Cooking Oil ang kanilang preparasyon para sa Honghe Cup International Basketball Grand Prix sa Yunnan, China sa kanilang nakatakdang pakikipagsagupa ngayon sa Asian Games-bound RP-Selecta team sa alas-10 ng umaga sa Moro Lorenzo gymnasium sa Loyola Heights.
Ang Cooking Oil Masters, pag-aari ni national shooting champion Nathaniel Tac Padilla ay babanderahan ni seven-time PBA Best Import Bobby Parks, superstar Romel Adducul ng nasibak na MBA at Fil-Am Jeffrey Flowers.
Ang iba pang miyembro ng Spring team na gigiyahan ni coach Tito Palma ay sina Braulio Lim, Mario Reyes, Rodel Manuel, Mike Buendia, Joel Co, Carlo Espiritu, Efren Garcia, Wowie Ybanez at Allan de Castro.
Nakatakdang umalis ang Cooking Oil Masters sa Lunes, Sept. 9 upang sumabak sa prestihiyosong Yunnan tourney simula sa Sept. 11-21 kung saan tatlong tune-up games na ang kanilang pinagwagian.
Tinalo ng Spring ang Chinese-Taipei team na natalo rin sa RP-Selecta, 76-72, hiniya ang Forex, 105-78 at ang PBL squad na Blu Sun Power, 93-90 noong nakaraang Miyerkules.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest