^

PSN Palaro

Santos, Evans nagsosyo bilang PBA-Samsung Players of the Week

-
Sa mga sandaling ito, mababasa na sa mga newsstands ang ginagawang preparasyon ng buong koponan ng Talk ‘N Text para sa nakatakdang pakikipagharap sa defending champion Red Bull sa kanilang best-of-seven championship series ng PBA-Samsung Commissioner’s Cup.

Pero sa nakalipas na semifinals, isa sa hindi malilimutang sandali ay ang ginawang pagbangon ng Alaska Aces mula sa 0-2 deficit sa kanilang best-of-five series kung saan naipuwersa ng tropa ni coach Tim Cone ang deciding Game-Five na nagawa namang pagwagian ng Phone Pals.

Ngunit mayroong dalawang guwardiya ang siyang umagaw ng eksena upang pukawin ang damdamin ng mga manonood sa sagupaan sa pagitan ng Alaska at Talk ‘N Text.

Isa rito ay si Rodney Santos, ang ikaanim na manlalaro na siyang tatanggap ng lifetime sixth man award. Ang isa naman ay si Kenny Evans.

At sa pagtatapos ng laro, ang dalawang nabanggit ang siyang nahirang na Samsung co-Players of the Week.

Si Santos ang siyang bumalikat sa puwestong binakante ni John Arigo na hindi na nakatapos sa serye matapos na magkaroon ng hamstring sa kaagahan ng laro sa Game-Three.

Siya ay pumukol ng 14 puntos nang kanyang bigyang buhay ang Alaska sa 84-81 panalo na dahilan upang mapalawig pa ang serye.

At sa Game-Five si Evans naman ang siyang nanalasa nang pangunahan niya ang Phone Pals sa 89-73 tagumpay kung saan siya ay pumukol ng apat na triples upang ihatid ang Phone Pals sa 19-puntos na kalamangan.

vuukle comment

ALASKA ACES

GAME-FIVE

JOHN ARIGO

KENNY EVANS

N TEXT

PHONE PALS

PLAYERS OF THE WEEK

RED BULL

RODNEY SANTOS

SAMSUNG COMMISSIONER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with