Final 4 target ng JRU Bombers
August 30, 2002 | 12:00am
Hangad ng Jose Rizal University na kumpletuhin ang cast ng Final Four sa kanilang nakatakdang pakikipagsagupa ngayon sa bigating College of St. Benilde sa pagpapatuloy ng eliminations ng NCAA mens basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.
Nakatakda ang sagupaan ng JRU Heavy Bombers at CSB Blazers sa dakong alas-4 ng hapon na susundan ng sagupaan ng kanilang junior counterparts na siyang magtatapos ng apat na larong nakatakda ngayon.
Sakaling magtagumpay ang Jose Rizal, tuluyan nang mapagsasaraduhan ng pinto sa susunod na round ang naghahabol na Letran College na siyang tanging koponang may pag-asa sa Final Four.
Ang Bombers ay nakapuwesto na sa ikaapat na posisyon taglay ang 7-4 karta at kung sila ay mamayani ngayon, kanilang makakasama sa Final Four ang defending champion San Sebastian, St. Benilde at Philippine Christian University.
Ang Baste ang nangunguna sa kasalukuyan taglay ang 10-3 kartada kasunod ang St. Benilde na may 9-2 record habang ang PCU Dolphins ay nag-iingat ng 9-4 kartada.
Sa pamamagitan ng tagumpay ng Blazers sila ay makakalapit sa twice-to-beat advantage na ipagkakaloob sa top two teams pagkatapos ng eliminations.
Sakaling magtapos ang Jose Rizal at Letran Knights na nasa ikalimang puwesto taglay ang 6-6 kartada, sa ikaapat na puwesto, aangat ang Bombers dahil dalawang beses nilang tinalo ang Letran.
Sa unang seniors game, maghaharap naman ang Mapua Institute of Technology na may 5-7 record at San Beda College, may isang panalo lamang sa 12-laro, sa alas-2 ng hapon pagkatapos ng sagu-paan ng kanilang junior counterparts sa ganap na alas-11:30 ng umaga.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest