Mainit ang dugo ng SMBeer at Red Bull sa isa't isa
August 27, 2002 | 12:00am
Umiigting ang labanan sa Samsung-PBA Commissioners Cup semifinals kung saan kapwa abante ang defending champion Batang Red Bull at Talk N Text , 2-0, na tila naghuhudyat ng kanilang napipintong pagsasagupa sa kampeonato.
Masyadong mainit ang bakbakan ng Red Bull at ng San Miguel kung saan may sakalang naganap noong Game-Two.
Mainit na mainit ang pagtatagpo ng Beermen at Thunder kung saan humantong pa ito sa sakalan.
Sinakal ni SMBeer import Terq Mott si Red Bull import Tony Lang.
Ang San Miguel at Red Bull na ngayon ang mahigpit na magkaribal dahil sa ilang kaguluhang naganap sa kanila mula pa sa simula ng kumperensiya.
Kung matatandaan nyo kapwa nagmulta sina Lang at dating import ng SMB na si Art Long ng tig-P50,000 dahil sa involvement ng dalawa sa gulo.
Ngayon, tiyak na ipapatawag naman si Mott sa kanyang ginawang pagsakal kay Lang.
At maging ang coach ng Talk N Text na si Bill Bayno ay nasangkot din. Pero umaawat lang daw ito at nang makita ni SMB assistant coach Art dela Cruz at pinagsalitaan niya ang Amerikano ng hindi magandang pananalita.
At kay Mott, malamang na mas malaki ang maging pinsala sa kanya kaysa kay Lang dahil siya ang nanakal.
Tila hindi nagiging maganda ang imahe ngayon ng San Miguel Beer at ng Red Bull?
Kasi kapag sila ang may laro, para bang may napipintong gulo na maaring mangyari kahit na hindi sila ang magkalaban?
Ganun nga kaya?
Hindi naman siguro, nagkataon lang marahil na naging mahigpit silang magkaribal ngayon sa PBA.
Anong say nyo?
Sa ngayon, pinatawag umano ang buong San Miguel Beer at Red Bull team para magpaliwanag sa gulong naganap, habang si Bayno naman ay ipinatawag din dahil naman sa kanyang dalawang technical foul na naganap naman sa laro ng Talk N Text at Alaska.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended