^

PSN Palaro

NCAA: Altas durog sa Stags

-
Naging magaan ang tagumpay ng defending champion San Sebastian College-Recoletos kontra sa University of Perpetual Help Rizal kahapon, 84-74 sa pagpapatuloy ng aksiyon sa UAAP men’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.

Ito ang ikapitong panalo ng UPHR Altas sa siyam na pakikipaglaban na nag-angat sa kanila sa ikalawang puwesto ng standings matapos agawan sa puwesto ang third placer na ngayong Philippine Christian University.

Ipinaramdam na ng Baste ang kabiguan sa Perpetual nang kanilang ibandera ang 17-puntos na kalamangan sa pagtatapos ng first half, 49-32 na kanilang priniserba sa ikalawang bahagi ng labanan.

Humakot si Roy Falcasantos ng 15 puntos upang pangunahan ang San Sebastian na nagpalasap sa Perpetual ng kanilang ikasiyam na kabiguan sa 10 laro.

Sa juniors division, inilampaso din ng SSC Staglets ang UPHR Altalletes, 134-51.

ALTALLETES

ALTAS

HUMAKOT

IPINARAMDAM

PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

ROY FALCASANTOS

SAN SEBASTIAN

SAN SEBASTIAN COLLEGE-RECOLETOS

UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with