Milo Marathon babalik sa Leyte
August 14, 2002 | 12:00am
Gaya ng pamosong I Shall Return Promise na ginamit ni Gen. Douglas MacArthur noong World War II, magbabalik ang Milo Marathon na ngayon ay suportado ng Bayview Park Hotel, Adidas, Cebu Pacific, Ford Phils., at ng Department of Tourism sa makasaysayang isla ng Leyte ngayong Linggo ng umaga sa gaganaping 5th elimination race sa islands capital ng Tacloban City.
Nauna rito, ang mga top male at female finishers sa regional races na nakakuha sa slots ng 26th Milo Marathon National finals na nakatakda sa Manila sa December 8 ay ginanap sa Davao City, Roxas City sa Capiz, Lipa City sa Batangas at Metro Manila.
"We are looking at more than 3,000 runners in the race as this event is one of the most awaited sports event in the region with entries expected from our neighboring cities in Leyte and even from Samar and Biliran," pahayag ni Dr. Lucresio Calo na siyang local organizer ng nasabing event. Inimbitahan sina Leyte Governor Remedios Petilla at Vice Governor Nestor Villasin na siyang mag-award ng mga prizes sa mga mananalo.
Kabilang sa mga ibat ibang paaralan na nagkumpirma ng kani-kanilang paglahok sa alas-6 ng umaga sa Linggo ay ang Leyte Normal University, Leyte Institute of Technology, Leyte National High School, Sagkahan Elementary School at Bagakay Elementary School. Apat na paaralan ang nagkumpirma rin ng kanilang pagsali sa cheering competition.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 10, 2024 - 12:00am