Ang magwagi ng 12 medalya sa anim na kategorya kung saan ang Filipino jins ay hindi malayong mangyari.
Nagpahayag ng kumpiyansa si Philippine Taekwondo Association (PTA) vice president Sun Chong Hong sa kanyang 12-man taekwondo team kahapon ng maging panauhin ito sa PSA Forum na hatid ng Agfa Colors, Red Bull at Pioneer Insurance sa Holiday Inn hotel.
" I believe and trust all of my players. All of them have capacity to win medals. I just dont know what the color of the medals would be, but if were lucky, we can win 12 medals in all," ani Hong na siyang magsisilbing RP delegations attache sa Busan.
Kasamang dumalo ni Hong sa nasabing programa sina RP team coach Emmanuel Veneracion at jins Donald Geisler, Roberto Cruz at Eva Marie Ditan.
Nakalinya sa year-long training sa ilalim ng Korean coach Kim Tae Hyung, dating world taekwondo champion ang extensive international exposures ang nagdala sa koponan sa Turkey, Jordan at Japan upang imolde ang Filipino jins na inaasahang makapag-uuwi ng medalya sa Asiad na nakatakda sa Sept. 29-Oct. 14.
Nakasalalay sa mga balikat nina Geisler, Cruz at Ditan at ng iba pang jins na malampasan o hindi man ay maitabla ang naiuwing isang silver, tatlong bronze medals ng Filipino jins na kanilang napagwagian noon sa Bangkok Asiad, apat na taon na ang nakakaraan.
Samantala, aalis ang taekwondo squads patungong Korea sa Lunes upang ipagpatuloy ang kanilang training na sinimulan pa noong kaagahan ng buwan ng Enero. Magbabalik ang jins sa Aug. 29.