^

PSN Palaro

Ateneo pinana ang DLSU

-
Eksplosibong depensa ang ginamit ng defending champion De La Salle University sa third quarter upang isuong ang Ateneo Blue Eagles sa maagang foul-trouble at maitakas ang 70-60 tagumpay sa pagtiklop ng unang round ng 65th UAAP men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum kaha-pon.

Ang panalo ay naghatid ng sweep sa Green Archers sa first round at nagpahigpit ng kanilang kapit sa solong liderato at kampanyang makalapit sa fifth-peat, habang nalasap naman ng Blue Eagles ang kanilang ikatlong pagkatalo matapos ang kanilang 7-laro na humila sa kanila sa ikatlong puwesto.

Nagtulong sina Mike Cortez at BJ Manalo sa ibinabang mainit na 14-3 bomba na tinampukan ng ilang triples ang nagbigay sa La Salle ng 51-35 kalamangan sa third quarter.

Sinamantala ng Green Archers ang di paglalaro ni Rich Alvarez na sinuspindi ng isang laro kung kaya’t naging matamlay ang opensiba ng tropa ni coach Joel Banal.

Tumapos si Cortez ng 16 puntos kung saan ang 11 nito ay mula sa first half upang pangunahan ang Archers sa kanilang 38-31 kalamangan.

Nauna rito, matagumpay namang naisara ng University of the East ang kanilang kampanya sa first round sa pamamagitan ng kanilang 90-87 panalo kontra sa University of Santo Tomas.

Samantala sa junior games, naungusan ng UE Pages ang Golden Cubs 80-79, habang tinuruan naman ng leksiyon ng Blue Eaglets ang De La Salle-Zobel, 82-54.

ARANETA COLISEUM

ATENEO BLUE EAGLES

BLUE EAGLES

BLUE EAGLETS

DE LA SALLE UNIVERSITY

DE LA SALLE-ZOBEL

GOLDEN CUBS

GREEN ARCHERS

JOEL BANAL

LA SALLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with