MIT Cardinals suko sa SSC Stags
August 10, 2002 | 12:00am
Sa pagkakawala ni Jam Alfad sa huling 26 segundo, hindi nagpabaya si Roy Falcasantos nang kanyang balikatin ang opensiba ng defending champion San Sebastian College upang pabagsakin ang Mapua, 87-82 kahapon sa pagpapatuloy ng 78th NCAA seniors basketball tournament sa Makati Coliseum.
Siniguro ni Falcasantos na maging matatag ang kanyang mga pulso sa charity line nang umiskor ng dalawa mula sa apat na free throws sa huling 6.1 segundo ng labanan upang ihatid ang Stags sa tatlong puntos na kalamangan, 85-82 upang maging tuntungan sa kanilang ikaanim na panalo matapos ang walong asignatura.
"Suwerte lang sa huli. Kung kailan kailangan si Alfad, doon siya nag-foul-out," pahayag ni San Sebastian coach Turo Valenzona.
Si Alfad ay napatalsik sa laro sanhi ng ikalimang foul nang kanyang tangkaing pigilan ang layup ni Christian Gueverra may 45 segundo sa laro kung saan nakadikit ang Cardinals sa 82-83.
Si Alfad ang naging susi ng Stags sa pagkakawala mula sa 77-pagta-tabla nang umiskor ito ng 13 puntos upang ibigay sa Stags ang 83-80 bentahe sa ikaapat na yugto.
Naging malaking kakulangan sa Cardinals ang hindi paglalaro ng mga beteranong guard na sina Ryan Malig at Jeffrey Martin na naging dahilan ng kanilang ikalimang pagkatalo sa walong laro.
Kasalukuyang nagpapagaling si Malig mula sa typhoid fever, habang si Martin ay tuluyan ng hindi makakapaglaro sa season na ito bunga ng pagkakaulit ng kanyang injury sa kaliwang tuhod na kanyang natamo sa ensayo dalawang linggo na ang nakakaraan.
Pinangunahan ni Coronel ang Recto-based dribblers sa kanyang hinakot na 20 puntos, habang nagdagdag naman si Nicole Uy ng 19 puntos.
Sa junior games, dinuplika ng Staglets ang tagumpay ng kanilang senior counterparts makaraang silatin ang Red Robins, 60-55. (Ulat ni Maribeth Repizo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended