^

PSN Palaro

May anay sa team

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Kawawa naman ang PBA team na ito.

Napakalaki ng ginagastos sa team dahil sa napakalaking suweldo ng mga players eh hayan at nasa kulelat.

To think na magagaling naman ang mga players niya.

Hindi pa nila makita ang problema.

May anay sa team.

Nung wala pa ang player na ito eh madalas na maganda ang showing ng team na ito.

Pero mula ng pumasok siya sa team, hayan na ang nangyari.

Ewan ko ba sa coach at team manager kung bakit nagbulag-bulagan sila sa anay ng team nila.
* * *
"Promoting the Culture of Peace through Sports."

Yan ang theme na napili ng NCAA ngayong taon na ito.

Na isang napakahirap na gampanang theme.

Ang bench clearing at rumble na naganap sa laban ng PCU at San Beda ay isang pruweba na napakahirap talagang patunayan ang theme na yan.

Ano na ang nangyari sa oath of sportsmanship ng mga players na ni-recite pa nilang lahat sa harap ng publiko nung opening day sa Araneta Coliseum?

To think na eliminations pa lang yan ha...
* * *
Hindi na nanonood ng laro ang misis ng isang sikat na basketball player.

Dahil kaya sa may iba nang nanonood kay player?
* * *
May nagtatanong lang po..."Kailan ikakasal sina Daisy Reyes at Robert Duat ng Alaska."

Ang sagot?

Matagal na po silang hiwalay.

Ngayon, nagising na si Daisy kaya busy na naman siya sa kanyang showbiz commitments.
* * *
Personal: Happy birthday kay Ms. Emma Doroteo ng Pilipino Star Ngayon Acctg. dept. ngayon (Aug.9). Siyempre higit sa lahat kay Mr. Elmer Yanga sa Aug. 13.

ARANETA COLISEUM

CENTER

DAISY REYES

MR. ELMER YANGA

MS. EMMA DOROTEO

PILIPINO STAR NGAYON ACCTG

PROMOTING THE CULTURE OF PEACE

ROBERT DUAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with