^

PSN Palaro

Paglapit sa Top Four puntirya ng UP at NU

-
Pagpapalakas ng kampanya ang nakataya sa nakatakdang engkuwentro ng University of the Philippines at ng National University sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 65th UAAP men’s basketball tournament sa Makati Coliseum.

Kargada ng 2-3 win-loss slate, sisikapin ng Fighting Maroons na maitakas ang kanilang panalo kontra Bulldogs upang palakasin ang kanilang kampanya para sa Final Four sa nag-iisang senior game dakong alas-4 ng hapon.

Subalit tila hindi magiging madali para sa Diliman-base cagers na maikamada ang inaasam na panalo dahil, siguradong gagawa ng eksplosibong opensa ang Bulldogs upang maitala ang kanilang unang panalo matapos ang limang sunod na pagkatalo na siyang naglagay sa kanila sa ilalim ng standings.

Isa sa inaasahang pagtutuunan ng pansin ng Bulldogs ay ang kamador ng Fighting Maroons na si Michael Bravo na kasalukuyang lider sa scoring department na tiyak na kakayod ng husto upang madugtungan ang kanilang impresibong 53-49 panalo kontra sa Ateneo Eagles noong nakaraang linggo.

Bukod kay Bravo, makakatulong niya sina Nunag, Lino Tabique Jr. at Tito Almeda sa opensa upang isulong ang Fighting Maroons.

Kailangang gumana nina Rodel Celo, Lito Arnaiz, Abe Santos at Josant Cervantes sa depensa dahil kung hindi siguradong magkakaroon ng problema ang Fighting Maroons.

"We have a lot of problems because we are a young team although I’m happy to say that we’re starting to learn from our mistakes," pahayag ni UP coach Allan Gregorio.

Aasahan naman ng Bulldogs ang mga balikat nina Alfie Grijaldo, Anthony Urbano at Jeff Napa na kailangang humataw ng husto upang tabunan ang pagkawala ni Froilan Baguion na nagkaroon ng injury.

Ang aksiyon ay bubuksan ng kanilang junior counterparts na NU Bullpups at Baby Maroons sa alas-2. (Ulat ni Maribeth Repizo).

ABE SANTOS

ALFIE GRIJALDO

ALLAN GREGORIO

ANTHONY URBANO

ATENEO EAGLES

BABY MAROONS

FIGHTING MAROONS

FINAL FOUR

FROILAN BAGUION

JEFF NAPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with