CSB Blazers tumindi ang kapit
August 8, 2002 | 12:00am
Humataw si Sunday Salvacion ng 18-puntos, lima nito ay mula sa third canto upang trangkuhan ang College of St. Benilde sa 70-60 panalo upang higit pang patatagin ang kanilang kapit sa solong liderato sa pag-ikot ng second round elimination ng 78th NCAA mens basketball tournament sa Makati Coliseum kahapon.
Ang tagumpay ng Blazers ay tumabon sa kanilang kaisa-isang kabi-guan na natamo mula sa mga kamay ng Philippine Christian University, 72-80 sa pagsasara ng kanilang asignatura sa first round na naglapit sa kanilang kampanya para sa titulo sanhi ng ikapitong panalo.
Taliwas naman sa Altas, ang pagkatalo ay lalo pang nagbaon sa kanila sa hukay matapos na malasap ang ikapitong talo sa walong pakikipaglaban.
Pinasimulan ni Salvacion ang pag-alagwa ng Blazers sa third period nang magsalpak ng jumper bago sinundan ng triples upang ilagay ang kanyang koponan sa kampanteng katayuan.
Lalo pang naging mabangis ang Blazers sa pagsapit ng final canto nang kanilang itarak ang 21 puntos na kalamangan, 64-43 nang tumapyas si Alex Magpayo ng 15 puntos matapos pangunahan ang 10-0 run ng Taft-based dribblers bukod pa ang limang rebounds, tatlong steals at dalawang assists.
Ngunit sa pagkakataong ito tila nanlamig ang Blazers na sinamantala naman ng Altas upang makalapit sa 55-64, may 1:56 na lamang ang nalalabi sa oras.
Huling nagbanta ang Altas sa 57-66, 1:39 ang oras, pero agad ding nakabalik ang composure ng Blazers nang pagtulungan nina Unik Capati at Ronald Capati ang 5-2 rally upang muling ilayo ang kanilang abante sa 13 puntos, 70-57, 1:22 na lamang sa tikada.
Sa juniors game, binugbog ng kanilang junior counterpart ang Alta-lletes, 145-57, habang nanaig ang San Beda Red Cubs sa PCU Baby Dolphins, 101-76.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am