No.3 target ng Coca-Cola
August 8, 2002 | 12:00am
Tangkang sunggaban ngayon ng Coca-Cola Tigers ang ikatlong twice-to-beat advantage sa kanilang pakikipagharap sa RP Team-Selecta sa papatapos nang eliminations ng PBA-Samsung Commissioners Cup.
Ang tagumpay ng Tigers sa nag-iisang laro ngayon sa Cuneta Astrodome sa ganap na alas-7:00 ng gabi ang magluluklok sa kanila sa top four na may premyong twice-to-beat ticket patungo sa eight-team quarterfinal round.
Sigurado na quarterfinals ang Coca-Cola kasama ang FedEx Express, Alaska Aces, San Miguel Beer at defending champion Batang Red Bull.
Ang Red Bull ay sigurado na sa twice-to-beat advantage at sa No. 1 spot bunga ng kanilang mataas na quotient kahit sino ang kanilang makatabla sa 7-3 win-loss slate habang hawak naman ng Beermen ang isa pang top four slot dahil din sa kanilang ikalawang pina-kamataas na quotient kahit pa matalo sila sa kanilang huling asignatura.
Ito na marahil ang huling pagkakataong masisilayan ng publiko ang National team na nakatakdang tumulak sa Asian Games na gaganapin sa Busan, South Korea.
Hindi man maganda ang magiging resulta ng kanilang laro ngayon na tuluyang magpapatalsik sa kanila sa kontensiyon ay may magandang dulot naman ito dahil maitutuon na nila ang kanilang atensiyon sa paghahanda para sa Asiad.(Ulat ni CVO)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended