Altas pinasabog ng Bombers
August 6, 2002 | 12:00am
Pumutok sa triple area ang Jose Rizal University sa pivotal stretch upang pasadsarin ang University of Perpetual Help-Rizal, 84-76 sa 76th NCAA mens basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.
Pinangunahan ni Marco Paulo Fajardo ang paghahasik ng Heavy Bombers sa tres sa kanyang four-of-six three point shooting para sa kanyang tinapos na 26 puntos na produksiyon.
Tinapos ng Jose Rizal ang kanilang kampanya sa unang round sa pamamagitan ng kanilang ika-apat na panalo sa pitong laro na nagpahigpit ng kanilang kapit sa ikaapat na puwesto.
Isang 20-9 salvo ang pinakawalan ng Bombers kung saan may dalawang tres si Fajardo at tig-isa sina Winsjohn Te at Joel Villarin upang ihatid ang JRU sa 79-68 pangu-nguna, patungong huling 2:59 oras ng labanan.
Nagbanta pa ang Altas nang sila ay makalapit sa 75-79, 44 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro, ngunit naging kampante naman si Joel Finuliar sa free throw area sa kanyang 5-6 shooting upang masiguro ang panalo ng Bombers.
Sa unang seniors game, ipinalasap ng MIT ang ikapitong sunod na kabiguan sa host San Beda College upang iangat ang kanilang record sa 3-4 panalo-talo papasok sa susunod na round.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended