Sweep ng CSB bulilyaso sa PCU
August 3, 2002 | 12:00am
Ipinagkait ng Philippine Christian University sa College of Saint Benilde ang pag-sweep sa unang round ng eliminations ng NCAA mens basketball tournament matapos ang 80-72 pamamayani kahapon sa pang-umagang aksiyon sa Rizal Memorial Coliseum.
Bukod sa dinungisan ng PCU Dolphins ang malinis na katayuan ng CSB Blazers, ang kanilang tagumpay ay nagbunga ng kanilang pag-sososyo sa liderato taglay ang 6-1 record papasok sa ikalawang round.
Pumutok sina Loreto Soriano at Alwyn Ilagan sa opensa sa paghakot ng 24 at 17-puntos, ayon sa pagkakasunod ngunit para kay PCU coach Jimmy Mariano, naging mabisa ang kanilang depensa na siyang nagpahirap sa St. Benilde.
Umabot sa 13-puntos ang kalamangan ng Dolphins kung saan ang pinakahuli ay sa 61-48 mula sa tres ni Ilagan, 1:46 na lamang ang nalalabing oras sa ikatlong quarter.
Sa ikalawang seniors game, pinayukod ng defending champion San Sebastian College ang Mapua Institute of Technology upang iangat ang kanilang record sa 4-2 win-loss slate at ipalasap naman sa Cardinals ang kanilang ikaapat na pagkatalo sa 6 laro.
Sa juniors division, nagsipagpanalo naman ang CSB Junior Blazers at SSC Staglets kontra sa PCU Baby Dolphins, 89-82 at MIT Red Robins (68-59), ayon sa pagkakasunod.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended