^

PSN Palaro

Kiwis bagsak sa Pinoy

-
Sariwa pa sa isipan ng Filipino Little Leaguers ang sakit na nadarama matapos ang unang dalawang sunod na dagok kung kaya’t sa pag-kakataong ito, naging determinado sila upang irehistro ang come-from-behind na 9-6 panalo kontra sa New Zealand kahapon at makapasok na rin sa win column sa Asia-Pacific Little League sa Rizal Memorial ballpark.

Matapos ang unang tatlong innings na walang produksiyon, bumangon ang Filipinos sa ikaapat na innings nang magposte ng anim na sunod na runs kontra sa tatlo lamang ng New Zealanders na kanilang naikamada sa una at ikalawang innings.

Sa sumunod na play, lalong naging mabangis ang RP nine nang muling magtala ng tatlo pang runs na siya nilang naging tuntungan sa kanilang unang panalo.

Sa panalong ito, kumayod ng todo ang lead off batter na si Paolo Jalandoni nang makatapak sa unang base sa pamamagitan ng paglalakad, umusad sa ikalawa mula sa fielding error ng NZ short stop James Cartwright, kasabay ng pagtuntong naman ni Carlos Borromeo sa unang base.

Ang single ni Gico Almendras ang siyang nagpuno sa lahat ng bases, pumalo ang sumunod na batter na si Pablo Mallari ng double upang paiskorin si Borromeo at Almendras para sa tatlong run ng RP sa nasabing inning.

Pero pinatalsik ng sumunod na batter ng New Zealand na si Otis Pitney ang nalalabing Pinoy.

Sa iba pang laro, ipinakita ng Japan ang pormang nagputong sa kanila ng Asia at World Series title nang kanilang payukurin ang Korea, 9-1.

Sa third inning pa lamang ay agad ng ipinadama ng mga manlalaro mula sa ‘Land of the Rising Sun’ ang kanilang panalo nang umiskor ng apat na runs mula sa tatlong hits.

ASIA-PACIFIC LITTLE LEAGUE

CARLOS BORROMEO

FILIPINO LITTLE LEAGUERS

GICO ALMENDRAS

JAMES CARTWRIGHT

LAND OF THE RISING SUN

NEW ZEALAND

NEW ZEALANDERS

OTIS PITNEY

PABLO MALLARI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with