Kawawa naman ang mga MBA players
July 31, 2002 | 12:00am
Akala nyo bay MBA lang ang nagkaroon ng malaking problema kaya itoy nagsara nat hindi na kayang tustusan ang lahat ng gastos?
Ang alam namin malaki rin ang problema ng Viva TV sa kanilang coverage ng PBA.
As it is, very obvious na walang masyadong pumapasok na commercials sa tv coverage.
Aminin man o hindi ng Viva, I am sure hirap na hirap sila sa kanilang advertising revenues. I am sure lugi ang Viva TV sa kanilang coverage expenses.
Next year, kapag ganyan pa rin kamahal ang franchise na hihingin ng PBA sa Viva, tiyak na bibitawan na yan ni Boss Vic del Rosario.
Puwede nang bitawan yan ni Boss Vic dahil sa tutoo lang, wala namang kumpanya ang magbibid para sa PBA franchise.
Sa sobrang mahal ng rights for the tv coverage, sigurado kaming walang maglalakas loob na kumagat sa presyo nila.
Wala na ang MBA.
Parang kailan lang eh bonggang-bongga ang liga na ito.
Kayraming teams at kayraming mga players na ang lalaki rin ng suweldo.
Nung bitawan ito ng ABS-CBN dahil nalulugi nga sila, itinuloy pa rin nung ibang teams.
Ngayon, hayan ang resulta.
Pilitin man, wala ring mangyayari dahil lalo lang silang malulubog sa gastos at sa utang.
Tama ang naging desisyon ng mga players na tulad nina Ejercito, Calaguio, Rodriguez at iba pa na ngayon eh nasa PBA na at kahit paanoy may magagandang kontrata.
Kawawa ang mga naiwan sa MBA sa paniniwalang okay pa rin ang liga. Pinakakawawa si Rommel Adducul na ang gaganda ng alok sa PBA eh hindi pinakawalan ng Batangas Blades.
Sabi ni Adducul, mula pa raw nung Abril eh hindi na siya sumusuweldo.
Tulad ni Adducul, sangkaterbang players, coaches at utility boys ang ngayon eh wala nang suweldo at wala nang kontrata.
Ang iba sa kanilay babalik sa PBL, pero kailan pa ba ulit ang PBL?
Ang iba sa kanilay kalahok na sa PBA, pero kailan pa ba ulit ang drafting? At kung may drafting man, ilan ba ang bakanteng posisyon sa mga PBA team ganyang halos puro Fil-Ams at import na ang laman ng mga PBA teams.
Tsk-tsk-tsk...

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest