Bunga ng kanilang panalo, napanatili ng Guam ang kanilang kapit sa solong liderato sa kanilang grupo dahil sa kanilang tatlong sunod na panalo.
Nauna rito, pumukol ang hurler na si Putra Andyika ng two-hitter game upang trangkuhan ang Indonesia sa one-sided 5-inning regulated 16-2 panalo kontra sa New Zealand upang manatiling nakabuntot sa Guam bunga ng kanilang ikalawang dikit na tagumpay.
Ang nasabing tournament ay inorganisa ng Little League Philippines kung saan ang siyudad ng Manila ang siyang punong abala na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, League of Provinces, San Miguel Corporation at Nestle Philippines.
Agad na ipinamalas ng Guam ang kanilang determi-nasyon nang iposte ang tatlong runs sa first inning para sa 3-1 kalamangan.
Napalaki ng Guam ang kanilang abante sa 4-1 matapos na umiskor ng solo home-run si Kevin Babanta.
Pero nagawang makalapit ng Saipan sa 4-3 nang humataw si Shane Yamada ng single sa third inning at pumukol naman si Jesus Igve sa fifth inning upang paiskorin si Marlin Pangilinan.
Subalit nanatiling matatag ang Guam nang dispatsahin ni Sammy Roberto ang huling tatlong batters ng Saipan.
Sa Asia group competition, pumukol si Soon Sook Huang ng solo homerun sa first inning na sapat na para gawin nilang sandigan sa 10-0 panalo laban sa Hong Kong.