^

PSN Palaro

6th win puntirya ng St. Benilde

-
Ipagpapatuloy ngayon ng College of Saint Benilde ang kanilang pananalasa sa kanilang pakikipagharap sa wala pa ring suwerteng San Beda College.

Nakatakdang magharap ang CSB Blazers at SBC Red Lions sa unang seniors game ngayon ng National Collegiate Athletics Association men’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum sa alas-2:00 ng hapon.

Ikaanim na sunod na panalo ang puntirya ng St. Benilde sa kanilang laban ngayon upang higit na makakawala sa kanilang mga kalaban.

Unang panalo naman ang nais matikman ng San Beda bokya sa kanilang unang limang laro sanhi ng kanilang pangungulelat.

Tulad ng Blazers, pinapaboran ding manalo ang PCU Dolphins kontra sa Perpetual Altas sa ikalawang seniors game, dakong alas-4:00 ng hapon dahil sila ang ikalawang mainit na koponan ngayon dahil sa kanilang four-game winning streak.

Di nagkakalayo ang Bedans at Altas dahil iisa pa lamang ang kanilang naipapanalong laro sa limang pakikipaglaban at ang kanilang naturang panalo ay ang kontrobersiyal na tip in ni Marcel Cuenco para sa winning basket laban sa Red Lions.

Ngunit hindi na naduplika pa ng Perpetual ang panalong ito at sa katunayan, sa kanilang huling dalawang pagkatalo, sila ay natambakan ng average na 36.5 puntos. Sa kanilang laban kontra sa Mapua, walang nakaiskor sa ikalawang quarter at may 15 minutong walang basket ang Altas.

Kasunod lamang ng Blazers ang PCU na may 4-1 win-loss record habang ang Letran at defending champion San Sebastian College ay parehong may 3-2 kartada.

Sa juniors division, magkikita naman ang SBC Red Cubs at CSB Junior Blazers sa ganap na alas-11:30 ng umaga habang ang PCU Baby Dolphins at UPHR Altalletes ay maghaharap sa alas-6:00 ng gabi.

ALTAS

BABY DOLPHINS

COLLEGE OF SAINT BENILDE

JUNIOR BLAZERS

KANILANG

MARCEL CUENCO

NATIONAL COLLEGIATE ATHLETICS ASSOCIATION

PERPETUAL ALTAS

RED CUBS

RED LIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with