^

PSN Palaro

MBA, umaasa pang mabuhay

GAME NA! - Bill Velasco -
Marami na ang nagsasabing patay na ang Metropolitan Basketball Association. Tatlong buwan nang hindi sumusuweldo ang ibang manlalaro nito, at dalawang buwan na siyang hindi nasisilayan sa telebisyon. Subalit umaasa pa ang mga lider nito na buhayin muli ang liga.

Salapi ang pinakamabigat na suliranin ng MBA. Mahina ang daloy ng pera sa pagbebenta nito, lalo na para sa telebisyon. Hindi biro ang maghanap ng mahigit isang daan milyong piso para lamang sustentuhan ang paulit-ulit na biyahe ng mga manlalaro nito. Pangalawa, naman ang namumunong Multi Regional Basketball Inc., (MRBI) ang malalaking suweldo ng ilan sa mga manlalaro na dati’y sinasagot ng ABS-CBN.

Ngayong araw dapat idaos ang All-Star Game ng MBA, subalit hindi na matutuloy ito sampu ng mga kasunod na laro ng National Phase. Dahil mahina ang pasok ng mga patalastas, hindi nasunod ang plano ng liga na ipamahagi ang salaping kailangan ng bawat koponan, upang hindi mabigatan ang mga may-ari nito.

Ang pinakamalaking katanungan ngayon ay ito: Kailan mababayaran ang mga suweldo ng mga player at iba pang empleyado ng MBA?

Kung mag-iibang anyo ang MBA, gagayahin nito ang ilang korporasyon na tumakas sa mga utang sa pagiging bankrupt. Maaari na lamang silang magtayo ng ibang liga, para malinis ang kanilang bagong simula. Subalit, sa tingin ng marami, wala ito sa karakter ng mga namamalakad sa liga. Umaasa ang mga player na tama ang pananaw na ito.

Puwede ring sumali ang ilang koponan sa Philippine Basketball League, subalit kinakailangan nilang maging amateur muli. At hindi lahat ay mapagbibigyan ng PBL, dahil maaaring bumalik na rin ang Welcoat at Tanduay.

Isa pang katanungan: Kung ang pagiging makalalawigan ang sanhi ng napakalaking gastos ng liga, ano ang alternatibo para di magalit ang kanilang mga masugid na tagasubaybay sa mga probinsiya? Maraming magagalit sa mga maiinit na tagapanood ng liga kung maiiwanan silang kulang sa pansin.

Walang mapupuntahan ang mga player ng MBA na ngayo’y walang hanapbuhay. Kakaunti lamang ang dumaan na sa PBA draft at maaaring lumipat doon bilang free agent. Sa mga Fil-Am, halos walang makakasunod sa mga yapak ni Chris Clay, na nakatagpo ng masisilungan bilang import sa Sta. Lucia sa PBA, Masikip na rin sa PBL.

Sana’y gawan ng MBA ng paraan na mabayaran ang mga manlalaro nito sa lalong madaling panahon. Marami ang nasaktan at ilang pamilya ang nagutom din dahil sa mga problema nito. Resulta ang kailangan.

ALL-STAR GAME

CHRIS CLAY

MARAMI

METROPOLITAN BASKETBALL ASSOCIATION

MULTI REGIONAL BASKETBALL INC

NATIONAL PHASE

NITO

PHILIPPINE BASKETBALL LEAGUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with