^

PSN Palaro

5th win target ng St. Benilde

-
Ikalimang sunod na panalo ang puntirya ng College of St. Benilde sa kanilang pakikipagharap ngayon sa University of Perpetual Help Rizal sa pagpapatuloy ng NCAA men’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.

Ang tagumpay ng CSB Blazers sa pang-alas-2 ng hapong sultada sa unang seniors game ang magpapahigpit ng kanilang kapit sa liderato.

Matayog ang hawak na kartada ng St. Benilde na may malinis na 4-0 record kaya’t sila ang pinapaborang manalo kontra sa UPHR Altas na may isang panalo pa lamang sa apat na pakikipaglaban.

Huling biktima ng Blazers ang Letran College, 88-75 kung saan apat na players--sina Alex Magpayo, Paolo Orbeta, Joaquin Te III at Jod Evangelista ang hindi nakapaglaro.

Nasuspindi ang apat dahil sa isang bench-clearing accident sa kanilang laban kontra sa Mapua, isang linggo na ang nakakaraan kaya’t naging mainit si Sunday Salvacion upang punan ang pagkawala ng kanyang mga kasamahan sa paghakot ng 37-puntos, 20 nito ay sa ikatlong quarter lamang.

Sa pagbabalik ng apat, karagdagang puwersa ito para sa St. Benilde para sa kanilang layuning panatilihing malinis ang katayuan.

Sa ikalawang seniors game dakong alas-4 ng hapon, maghaharap na-man ang Letran Knights at MIT Cardinals na parehong hangad ma-kakalas sa 4-way logjam sa 2-2 record kasama ang defending champion San Sebastian College at Jose Rizal University.

Sa juniors division, magsasagupa ang UPHR Altalletes at CSB Junior Blazers sa unang laro, alas-11:30 ng umaga habang sa ikaapat at huling laro, magkikita naman ang Letran Squires at MIT Red Robins sa dakong alas-6 ng gabi.(Ulat ni Carmela Ochoa)

ALEX MAGPAYO

CARMELA OCHOA

COLLEGE OF ST. BENILDE

JOAQUIN TE

JOD EVANGELISTA

JOSE RIZAL UNIVERSITY

JUNIOR BLAZERS

LETRAN COLLEGE

LETRAN KNIGHTS

ST. BENILDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with