"In about two or three years time, I think that Filipinos will have grown to be the best dancers in the world," sabi ni Carl-zon, na lumipad dito upang imbestigahan ang namumuong alitan sa pagitan ng Dancesports Council of the Philippines (DSCP) at Philippine Professional Dance Sports Association (PPDSA).
Ayon kay Carlzon, maraming kategorya kung saan sisikat ang mga Pilipino, lalo na sa makabagong mga sayaw tulad ng Street Latino at iba pa.
"We have about 100 to 150 competition categories every year, and there are fifteen divisions per group," paliwanag niya. "I am even putting together a new competition which involves many Latin dances, something Filipinos are very good at."
Sinabi niya na malabong maging Olympic sport ang ballroom dancing, at marami ang dahilan.
"First, worlwide, the Olympic movement is cutting down the number of sports. There are just too many," paliwanag ni Carlzon. "Secondly, there are other sports that are waiting in line to get in. Third, the trend is to make sports more appealing to the masses, like what we are trying in the IDO and the International Dance Sports Federation (IDSF). Also, many of the worlds best couple are from different nationalities, which would make things complicated."
Ayon sa kanya, ang magiging hamon ngayon sa Pilipinas ay kung paano itaas ang pagsasayaw sa bansa habang pina-panatili ito bilang libangan ng marami. Napuna niya na, sa ibang mga bansa, tuwing nahahaluan ng mga lisensyadong mananayaw ang mga social dancing clubs,maraming umaayaw.
"There has to be a way to train people technically and still have amateur or social dancers enjoy the sports," pangwakas niya. "If not, the sport will die as a social event."
Sa mga susunod na buwan, pagtitibayin pa ng PPDSA ang pagiging miyembro ng IDO, at magpapadala ng ilan sa mga pares nito sa Amerika at Europa upang magsanay doon, at dalhin ang mga bagong pamamaraan ng pagsasayaw dito sa atin.