Purefoods tangkang bumangon
July 25, 2002 | 12:00am
Hindi pa huli ang lahat para sa Purefoods TJ Hotdogs.
Nananatili pa ring buhay ang kanilang pag-asang makapasok sa quarterfinals ng PBA Samsung Commissioners Cup sa likod ng kanilang pangungulelat sa karera.
Kaya naman panibagong puwersa ang kinuha ng TJ Hotdogs upang palakasin ang kanilang koponan at makabangon mula sa kanilang ikalimang sunod na pagkatalo na naging sanhi ng kanilang 1-5 record na nagbaon sa kanila sa ilalim ng standings.
Isasalang ngayon ng Purefoods ang kanilang bagong imports na si Warren Rosegreen sa kanilang nakatakdang pakikipaglaban sa FedEx Express sa nag-iisang laro ngayon sa Caruncho Gym sa Pasig sa alas-7 ng gabi.
Si Rosegreen na pumalit kay Gabriel Muoneke ay nakalistang 66 ngunit matapos itong pasukatan sa PBA office, ito ay may taas lamang na 62 1/2.
At bagamat forward ang dating posisyong nilalaro, ayon sa scouting report, ang 230 lbs. na manlalaro ay bumabantay sa mga seven-footers na hindi nagkakaroon ng problema sa miss match, dahil sa kanyang 40 inches vertical leap at natural na lakas ng isang sentro
Makakatulong ni Rosegreen si Chris Morris na nauna nang naisalang sa nakaraang laro ng Purefoods kapalit ni Kelvin Price.
Susukat sa galing ni Rosegreen ay ang mga pambatong import ng Express na sina Frantz Pierre-Louis at Jermaine Walker.
Sa di inaasahang pagkakataon, si Rosegreen ay dumaan kay coach Bill Bayno ng Talk N Text nang hawak pa ng Amerikanong coach ang UNLV.
Samantala, kumuha rin ng bagong import ang Phone Pals na si Pete Michael bilang kapalit ni Danny Johnson. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended