Batangas, Cebu gustong lumipat sa PBL
July 24, 2002 | 12:00am
Matapos mabigo ang planong pagsasanib ng Philippine Basketball League at Metropolitan Basketball Association, mayroon pa ring dalawang koponan mula sa MBA ang nais lumipat sa PBL.
Ito ang nabatid kay Elmer Yanga ng RFM Corporation na isa sa nagpursige sa di natuloy na unification, kasama si Joey Concepcion, ang chairman ng kumpanya.
Hindi man nagkasundo ang PBL at MBA sa kanilang pagsasanib, nagpahayag naman ng interes ang LBC Batangas at Cebuana Lhuillier na lumipat sa PBL.
"The entry of some teams in the PBL will only strengthen the amateur league which objective is to enhance the discontinuation of basketball program," pahayag ni Yanga na panauhin kahapon sa lingguhang PSA Sports Forum na ginanap sa Holiday Inn.
Bukod pa rito, sinabi rin ni Yanga na muling magbabalik ang RFM Corporation na kumalas na sa Philippine Basketball Association noong nakaraang taon matapos ibenta ang kanilang prangkisa sa San Miguel Corporation.
Ayon kay Yanga, plano ni Concepcion na maging sponsor ng isang koponang kasama sa 8 member teams ng PBL at malamang ay mapipili ang La Salle.
"The La Salle team is the logical choice for Mr. Concepcion because he is currently a board member of the school," ani Yanga.
Kung sakaling magiging matagumpay ang pagpasok ng Cebu at Batangas sa PBL, inaa-sahang magiging 10 ang koponang maglalaban-laban sa 2002 Challenge Cup na magbubukas sa Nobyembre.
Kabilang sa mga regular teams ay ang La Salle, Ateneo-Hapee, Ana Freezers, Shark, Blu Sun Power, John-O Juzz, at Montana.
Inaasahang magbabalik aksiyon na ang Welcoat matapos mag-leave-of-absense.
Ayon kay Yanga, muli silang makikipagkita ni Concepcion kina Santi Araneta, team owner ng Batangas at Michelle Lhuillier, ang may-ari ng Cebu team, para sa kanilang application sa PBL sa Nobyembre.
Bagamat wala pang natatanggap na application papers mula sa Cebu, Batangas ang PBL, sinabi ng source na nagpahayag na sa kanila ng intensiyong umanib sa kanilang liga ang mga ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended