Russians, di mapigil; Brazil talo
July 21, 2002 | 12:00am
Naging magaan ang tagumpay ng Russia kontra sa Japan kung saan nagawa pa nilang pagbigyan ang Asian champions habang mailap naman ang suwerte sa Brazil sa likod ng pagdami ng kanilang tagahanga kahapon sa ikalawang araw ng aksiyon sa Week 2 ng 2002 Womens Volleyball Grand Prix sa Araneta Coliseum.
Ipinoste ng Ruso ang 25-13, 25-10, 23-25, 25-19 panalo sa unang laro laban sa Japan, habang hiniya naman ng Germany ang Brazil sa kanilang mga tagahanga nang ipasalap ang 25-18, 25-18, 25-22 kabiguan sa ikalawang laro.
Nagpahirap sa Brazilians si Anjelina Gruen na siyang dumiskaril sa paghahabol ng Brazil sa ikatlong set upang ihatid ang Germany sa unang panalo sa Week 2 ng event na ito at ikatlo sa kabuuang limang laro.
Sa kabilang dako, ang panalo ng Russia ay kanilang ikalawang sunod sa ikatlong leg na ito at ikalima sa gayong ding dami ng laro kasama ang kanilang tatlong unang panalo sa China
Ayon kay Russian coach na si Karpol Nikolai, sa pamamagitan ng panalong ito ay nakasiguro na ang Russia ng slot sa finals na gaga-napin sa HongKong sa Agosto 3 pagkatapos ng Week 3 na sabay gaganapin sa Chinese Taipei at Macau.
Matapos maging magaan, ang panalo sa unang dalawang sets, sinamantala ng Russian coach na si Karpol Nikolai na bigyan ng pagkakataon ang kanyang mga batang players na magkaroon ng exposure. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest