Sana naman may mga bago nang pakulo para maging mas exciting naman ang All-Stars.
Ang tanong--may mga stars pa ba ngayon sa PBA?
Ilan pa kaya ang nasa PBA ngayon na maituturing nating star?
Ilan pa nga kaya? Sige, bilangin nga ninyo..
Please naman, lubayan nyo na ang mga basketball fans ng ganyang match-up.
Please naman, mag-isip naman kayo ng iba.
Baka mamaya, dadaanin na naman sa mga botohan ng mga fans yan?
Pag Veterans team, alam nyo na kung sinu-sino na naman ang mga nasa line-up. Eh taon-taon yan na yan lang naman ang lumalabas na line-up eh.
Kapag rookies naman ang tatanungin mo--eh sino ba sa mga rookies ang naging star ngayong taon na ito? Baka si Yancy de Ocampo lang o si Leo Avenido, puwede pa. Eh paano mo tatawaging star yung ibang rookies eh ni hindi man lang ginagamit at laging nasa bench o di kayat kahit gamitin man, wala namang naipapakita?
Ang dahilan--ang mga players din nila.
Balitang ang dami kasing feeling superstars sa team na ito.
Na sila-sila ay nagkaka-inggitan at nagkaka-selosan.
Yan ang mahirap sa team na maraming superstars.
Makiki-share nga ba sila sa Shark Energy Drinks?
May tisimis kasi na hihinto na rin ang Shark Energy team, pero mukhang di ito matutuloy dahil tutulong nga daw ang Regent.
Next conference, Shark-Regent na nga ba ang team nina coach Leo Austria at manager Jesse Chua?
Abangan natin....
Nung magkaroon siya ng anak na lalake, tuwang-tuwa siya at malapit nang matupad ang pangarap niya.
Pero bakit ganun...Habang lumalaki ang anak niyang lalake eh parang naglalaho na ang pangarap ni player?
Hindi siya magiging basketball player...kundi isang fashion designer.