^

PSN Palaro

PBA All Star malapit na

- Nap Gutierrez -
Malapit na naman daw ang All-Star series sa PBA.

Sana naman may mga bago nang pakulo para maging mas exciting naman ang All-Stars.

Ang tanong--may mga stars pa ba ngayon sa PBA?

Ilan pa kaya ang nasa PBA ngayon na maituturing nating ‘star’?

Ilan pa nga kaya? Sige, bilangin nga ninyo..
* * *
Baka naman mamaya, Rookies, Sophomores, Juniors vs Veterans na naman ang pakulo nila?

Please naman, lubayan nyo na ang mga basketball fans ng ganyang match-up.

Please naman, mag-isip naman kayo ng iba.

Baka mamaya, dadaanin na naman sa mga botohan ng mga fans yan?

Pag Veterans team, alam nyo na kung sinu-sino na naman ang mga nasa line-up. Eh taon-taon yan na yan lang naman ang lumalabas na line-up eh.

Kapag rookies naman ang tatanungin mo--eh sino ba sa mga rookies ang naging ‘star’ ngayong taon na ito? Baka si Yancy de Ocampo lang o si Leo Avenido, puwede pa. Eh paano mo tatawaging star yung ibang rookies eh ni hindi man lang ginagamit at laging nasa bench o di kaya’t kahit gamitin man, wala namang naipapakita?
* * *
Kahit anong pilit ng PBA team na ito, mukhang mahihirapan na silang maka-angat sa kasalukuyang conference.

Ang dahilan--ang mga players din nila.

Balitang ang dami kasing feeling superstars sa team na ito.

Na sila-sila ay nagkaka-inggitan at nagkaka-selosan.

Yan ang mahirap sa team na maraming superstars.
* * *
Papasok nga ba ang Regent Foods ni Ricky See sa PBL?

Makiki-share nga ba sila sa Shark Energy Drinks?

May tisimis kasi na hihinto na rin ang Shark Energy team, pero mukhang di ito matutuloy dahil tutulong nga daw ang Regent.

Next conference, Shark-Regent na nga ba ang team nina coach Leo Austria at manager Jesse Chua?

Abangan natin....
* * *
Nangarap daw ang basketball player na ito na magkaroon ng isang anak na lalakeng magiging basketball player din balang araw.

Nung magkaroon siya ng anak na lalake, tuwang-tuwa siya at malapit nang matupad ang pangarap niya.

Pero bakit ganun...Habang lumalaki ang anak niyang lalake eh parang naglalaho na ang pangarap ni player?

Hindi siya magiging basketball player...kundi isang fashion designer.
* * *
Belated happy birthday sa ating kaibigan na si Ms. Angie Isidro ng Pilipino Star Ngayon Accounting department at sa aking ina na si Mrs. Cresencia Gutierrez.

CENTER

ILAN

JESSE CHUA

LEO AUSTRIA

LEO AVENIDO

MRS. CRESENCIA GUTIERREZ

NAMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with