"Titignan natin kung ano ang naging pasya ng PBA" bungad ni team manager Tony Chua sa kanilang pagdalo sa lingguhang SCOOP sa Kamayan sa West Avenue. "Pero sa palagay ko, masyadong matalino si Tony Lang para makipag-away kay Art Long.
Ayon pa kay Chua, nakita pa niyang hinampas ni Long ang isa pang manlalaro ng Red Bull nang daanan nito ang huli.
Ipinaliwanag naman ni Lang na hindi niya dinidibdib ang nangyari sa kanila ni Long.
"Ive known Art Long for about five or six years. Weve played against each other many times," lahad ng Best Import awardee."Ive never had felt bad that I couldnt help my team win."
Pero may dagdag ang kapareha nitong si Julius Nwosu.
"I think they should look at how they call things against Tony," singit ng higanteng import. "Sometimes, hes not even allowed to get position in the low post, and everybodys bumping him, and sometimes they dont call it."
"Its part of the territory, being a marked man," deklara ni Lang. "Its always hard to get to the top, and always harder to stay there. Everybody wants to show their best against me."
Maliban doon, wala namang reklamo ang dalawa sa pamamalakad ng PBA. Sa katunayan, bilib na bilib sila rito.
"Ive played in Japan, and if you look at the way things are run there, the PBA is a very good league," sabi ni Nwosu. "Everything, from the way games are scheduled to the television coverage to how they explain things is like the NBA here. They just have a few things to take care of."
Buong puwersang nakatakdang pumunta noong Biyernes ang koponan sa tanggapan ni PBA Commissioner Jun Bernardino para ibigay ang panig nila. Masaya man sila o hindi sa pasyang magpataw ng P400,000 multa sa dalawang koponan, umaasa ang PBA na ito na ang huling maririnig na isyu. Nais lamang ng Red Bull na patuloy na paigtingin pa ng liga ang pagbabantay sa ipinapakita ng mga referee nito, dahil sila ang mukha ng PBA sa masa.