^

PSN Palaro

Red Bull inilabas ang panig

Game Na ! - Bill Velasco -
Hindi masaya ang Red Bull Energy Drink sa mga kaganapan sa kanilang laro noong Huwebes kontra sa San Miguel Beer. Sa kanilang palagay, dehado sila sa ilang pangyayaring pumaimbulog sa nangyaring away sa pagitan ni Batang Red Bull import Tony Lang at San Miguel import Art Long.

"Titignan natin kung ano ang naging pasya ng PBA" bungad ni team manager Tony Chua sa kanilang pagdalo sa lingguhang SCOOP sa Kamayan sa West Avenue. "Pero sa palagay ko, masyadong matalino si Tony Lang para makipag-away kay Art Long.

Ayon pa kay Chua, nakita pa niyang hinampas ni Long ang isa pang manlalaro ng Red Bull nang daanan nito ang huli.

Ipinaliwanag naman ni Lang na hindi niya dinidibdib ang nangyari sa kanila ni Long.

"I’ve known Art Long for about five or six years. We’ve played against each other many times," lahad ng Best Import awardee."I’ve never had felt bad that I couldn’t help my team win."

Pero may dagdag ang kapareha nitong si Julius Nwosu.

"I think they should look at how they call things against Tony," singit ng higanteng import. "Sometimes, he’s not even allowed to get position in the low post, and everybody’s bumping him, and sometimes they don’t call it."

"It’s part of the territory, being a marked man," deklara ni Lang. "It’s always hard to get to the top, and always harder to stay there. Everybody wants to show their best against me."

Maliban doon, wala namang reklamo ang dalawa sa pamamalakad ng PBA. Sa katunayan, bilib na bilib sila rito.

"I’ve played in Japan, and if you look at the way things are run there, the PBA is a very good league," sabi ni Nwosu. "Everything, from the way games are scheduled to the television coverage to how they explain things is like the NBA here. They just have a few things to take care of."

Buong puwersang nakatakdang pumunta noong Biyernes ang koponan sa tanggapan ni PBA Commissioner Jun Bernardino para ibigay ang panig nila. Masaya man sila o hindi sa pasyang magpataw ng P400,000 multa sa dalawang koponan, umaasa ang PBA na ito na ang huling maririnig na isyu. Nais lamang ng Red Bull na patuloy na paigtingin pa ng liga ang pagbabantay sa ipinapakita ng mga referee nito, dahil sila ang mukha ng PBA sa masa.

ART LONG

BATANG RED BULL

BEST IMPORT

COMMISSIONER JUN BERNARDINO

JULIUS NWOSU

PERO

RED BULL

SAN MIGUEL

TONY LANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with