^

PSN Palaro

Long at Lang pinagmulta ng P50.000

-
Matapos mapag-aralang mabuti ang review ng tapes ng laro sa pagitan ng San Miguel Beer at defending champion Batang Red Bull noong Huwebes ng gabi sa Cuneta Astrodome na nagresulta sa isang fist-fight, naglabas ang PBA Commissioner’s Office ng penalty sa dalawang koponan na nagkakahalaga ng kabuuang P100,000.

Ayon kay PBA Commissioner’s Jun Bernardino, kanyang pinatawan ng fine ang dalawang import na sina Art Long ng San Miguel at Tony Lang ng Thunder ng tig-P50,000 bukod pa sa pinagalitan niya ang dalawang reinforcements.

Ito ang ikalawang pagkakataon na nasangkot si Lang at ang Red Bull sa gulo.

Ang una ay noong laban nila sa Sta. Lucia Realty kung saan naki-pagmurahan siya kay Marlou Aquino na matapos ang kanilang away, sinundan naman ito ng hamunan at murahan ng kanilang guro na si Yeng Guiao at Aquino sa dug-out ng Araneta Coliseum noong Hunyo 30.

Si Lang ay pinagmulta ng P10,000, P20,000 naman ang kay Aquino, habang P50,000 ang ipinataw kay Guiao.

Bukod sa dalawang imports, ipinatawag din ang buong staff ng dala-wang koponan upang pagsabihan.

Nagsimula ang kaguluhan ng suntukin ni Long si Lang sa mukha matapos na makipaggirian ito kay Noli Locsin.

Mula dito, nagsimula ng magwala si Long matapos na patalsikin sa laro kung saan kumuha pa ito ng silya upang ibato sa bench ng Beermen.

Samantala, napag-iwanan na ang Alaska Aces sa ikalawang puwesto, ngunit may tsansa silang makahabol ngayon sa kanilang mga dating kasosyo sa pamumuno na Coca-Cola Tigers at defending champion Batang Red Bull.

Ikaapat na panalo ang nais hugutin ng Alaska sa kanilang pakikipagharap sa Shell Velocity sa pag-usad ngayon ng elimination ng PBA-Samsung Commissioner’s Cup sa Cuneta Astrodome.

Kung magagawa nila ito ay muling magkakaroon ng three-way tie sa liderato. Kasalukuyang pinagsasaluhan ng Tigers at Thunder ang pamumuno sa kanilang magkatulad na 4-1 win-loss slate ngunit di naman nakalalayo ang Aces na may 3-1 record.

Tampok na laro ang laban ng Alaska at Shell sa alas-5:45 ng hapon pagkatapos ng pambungad na sultada sa pagitan ng FedEx Express at RP-Team Selecta sa eksaktong alas-3:45 ng hapon.

Muling babanderahan nina Ajani Williams at Chris Carawell ang Aces sa kanilang hangaring sumulong sa ikatlong sunod na panalo habang sina George Banks (kapalit ni Sedric Webber) at Johnny Jackson ang raratsada para sa Shell. (Ulat ni Carmela V.Ochoa)

vuukle comment

AJANI WILLIAMS

ALASKA ACES

AQUINO

ARANETA COLISEUM

ART LONG

BATANG RED BULL

CARMELA V

CHRIS CARAWELL

COCA-COLA TIGERS

CUNETA ASTRODOME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with