RP-MBA aalis patungong Jones Cup
July 12, 2002 | 12:00am
Nakatakdang umalis ngayong araw ang MBA selection patungong Taiwan upang lumahok sa 25th Jones Cup tournament na sisimulan sa Hulyo 13.
Ang 11-man team ay suportado ng Cebuana Lhuillier at sila ay sasamahan ni Gems head coach Francis Rodriguez at mga assistant na sina Nash Racela ng Batangas at Lawrence Chongson ng Osaka Pangasinan.
Magbubukas bukas ang aksiyon sa Jones Cup, subalit hindi muna magpapakita ng aksiyon ang Filipinos hanggang sa darating na Lunes kung saan kanilang makakaharap ang Lokomotive Novosibirsk ng Russia sa alas-7:30 ng gabi.
Sa kabila ng halos isang linggo pa lamang nabuo ang koponan, nagsagawa naman sila ng dalawang beses sa isang araw na ensayo upang maikundisyon ang kani-kanilang katawan na ayon kay Rodriguez, ito ay isang kompetitibong teams.
Ang kampanya ng bansa ay babanderahan ng mga dating MVP na sina Romel Adducul ng Osaka Pangasinan, Alex Compton at Eddie Laure ng Batangas.
Ang iba pang inaasahang magde-deliver sa koponan ay sina Jeffrey Flowers ng Olongapo na may averaged na 19.3 points at 9.3 rebounds kada laro noong nakaraang edisyon ng nasabing tournament at ang high-flying na si Bruce Dacia ng Gems.
Ang iba pang kukumpleto sa koponan ay sina Reynel Hugnatan at John Ferriols ng Negros, Billy Mamaril at Peter Simon ng Davao Eagles, Egay Echavez ng Cebuana Lhuillier ang last minute addition na si Kalani Ferreria ng Osaka Pangasinan.
Makakalaban ng MBA selection ang mga koponan mula sa Amerika, Russia, Canada, China at Chinese Taipei.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest