^

PSN Palaro

Pagbabalik ng Welcoat sa PBL sino ang coach ?

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Binabati lang namin ang NCAA dahil sa malaking tagumpay ng kanilang opening ceremonies sa Araneta Coliseum. Sold out ang tickets at punom-puno ang Araneta Coliseum. Pati laro, magaganda. Kahit na marami ang mas ginustong manood ng mga laro sa Studio 23 dahil live naman, marami pa rin ang nagtungo sa Araneta at nagbayad ng tickets.

Again, congratulations to the NCAA!
* * *
Isa sa mga maganda ang ipinakita sa opening game ay itong si Ryan ‘Jeck’ Malig ng Cardinals.

Second year pa lang ni Jeck sa NCAA pero kakaiba na ang ipinakita niyang laro at marami ang nagsasabing malaki ang potensiyal niya para sumikat sa NCAA.

Opensa at depensa ay maganda ang naging performance nitong si Malig kaya siya na rin ang napiling best player of the first game.

Magmula ngayon isa na ring player to watch sa NCAA itong si Jeck Malig.
* * *
Nanalo ang San Sebastian, Mapua, Letran at College of St. Benilde nung Sabado.

Marami ang nagsasabing ang apat na teams na yan ang siya ring maghaharap sa Final Four.

Payag kaya ang JRU, PCU, San Beda at Perpetual Help College of Rizal?

I’m sure hindi.
* * *
Susunod naman ang opening ng UAAP.

La Salle vs Ateneo na naman kaya ang finals?

Mag-MVP na kaya sa UAAP si Enrico Villanueva? Papayag naman kaya si Mike Cortez?
* * *
Kapag bumalik na ang Welcoat sa PBL, sino kaya ang magiging coach?

Si Alfrancis Chua o ang dating pro player na si Lim Eng Beng?
* * *
Isang tao ang nagsabi sa isang pro player na hindi na yata sisikat sa PBA ng ganitong advice "Hangga’t hindi ka lumilingon sa pinaggalingan mo, hangga’t di ka marunong tumanaw ng utang na loob sa mga taong nakatulong sa ‘yo lalo na nung nag-umpisa ka pa lang, wala kang mararating. Hindi tatagal ang ningning sa career mo."

Very well said.

ARANETA COLISEUM

CENTER

COLLEGE OF ST. BENILDE

ENRICO VILLANUEVA

FINAL FOUR

JECK

JECK MALIG

LA SALLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with