^

PSN Palaro

Lago Player of the week

-
Para sa linggong June 23-29, napiling PBA Samsung Player of the Week ng mga miyembro ng PBA Press Corps si Dwight Lago ng San Miguel Beer.

Matapos maging mailap ang suwerte sa perimiter, nahanap rin nito ang kanyang range at rhythm nang mga oras na kinailangan ito ng San Miguel.

Umiskor si Lago ng apat na triples sa ikatlong quarter upang magtapos ng 15-puntos nang pasadsarin ng Beermen ang kapatid na kumpanyang Coca-Cola, 85-73 para sa kanilang unang panalo sa PBA Samsung Commissioners Cup.

"It’s a good thing Dwight really stepped up for us," ani coach Siot Tanquincen ng San Miguel na natalo sa kanilang unang dalawang laro dahil sa mahihinang imports.

Nakikilala na si Lago bilang player na maaasahan sa oras na kinakailangan dahil madalas itong umaangat tuwing nagigipit ang kanyang koponan.

Sapul nang mapabilang ito sa Beermen, simple lang ang papel ni Lago.

Kailangan lang nitong gumalaw sa loob ng peri-meter at hintayin ang double team kina Danny Ildefonso at Danny Seigle para magkaroon ito ng open shot na madalas ay nangyayari ito at nakakapag-deliver si Lago.

vuukle comment

BEERMEN

DANNY ILDEFONSO

DANNY SEIGLE

DWIGHT LAGO

LAGO

PRESS CORPS

SAMSUNG COMMISSIONERS CUP

SAMSUNG PLAYER OF THE WEEK

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL BEER

SIOT TANQUINCEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with