Solved na ba ang problema ng Shell?
July 1, 2002 | 12:00am
IMPORT nga ba ang problema ng Shell Velocity na wala pa ring panalo sa tatlong laro sa kasalukuyang Samsung-PBA Commissioners Cup?
Kasi nga, marami ang nagulat nang pauwiin ng Turbo Char-gers si Askia Jones at palitan siya ni Johnny Jackson. Ang akala ng karamihan ay magtatagal si Jones dahil sa ikatlong conference na niya ito sa kampo ng Turbo Chargers. Pero kinailangang pauwiin siya dahil ninais ni coach Perry Ronquillo na magkaroon ng import na makakatulong sa rebounds.
Noon pa namang nakaraang Governors Cup sinabi ni Ronquillo na na-miss ng Shell si Chris Jackson na isang kandidato para sa Philippine team sa Busan Asian Games.
May punto rin si Ronquillo dahil si Chris Jackson ang siyang leading local rebounder ng Turbo Chargers sa mga nakaraang seasons kung saan halos hindi nila napakikinabangan ang "Tower of Power" na si Benjie Paras na palagi na lamang may injury.
Ang tanong nga lang diyan ay ito: Kung alam ni Ronquillo na mahi-hirapan sa rebounding department ang Turbo Chargers sa season na ito dahil sa pagkawala ni Jackson na nahirang sa candidates pool noon pang Enero, bakit hindi siya kumuha ng matinding sentro buhat sa PBA Draft ?
Bakit inunang kunin ni Ronquillo sa Draft ang shooter na si Chris Calaguio at pagkatapos ay pinili ang 69 na si Frederick Canlas?
Sa tutoo lang, may isa pa namang malaking player sa Draft na puwedeng sungkitin ang Shell matapos na piliin ng FedEx si Yancy de Ocampo, ng Coca-Cola si Raffi Reavis at ng Sta. Lucia si Omanzie Rodriguez. Nandoon pa naman si Homer Se pero pinalampas siya ng Turbo Chargers at sa halip nga ay si Calaguio ang kanilang kinuha.
Tapos na ito, eh. Pero iniisip namin na kung si Se ang inuna ni Ronquillo, baka umabot pa rin sa kanila si Calaguio sa ikalawang first round pick nila. O baka nakuha pa nila si Ren-Ren Ritualo na matinding shooter din. Mas magiging potent ang kumbinasyon ng Shell.
Kaysa naman si Canlas na isang "developmental project" ang si-nungkit nila! Mayroon na sanang malaking player na mapakiki-nabangan ang Shell sa pagkawala ni Chris Jackson.
Pero gaya ng nasabi natin, tapos na ang Draft, eh. Sina Calaguio at Canlas na ang nakuha ng Shell. Bukod sa kanila ay kinuha din ni Ronquillo sa second round ang mga shooters na sina Reinier Sison at Edwin Bacani.
So, loaded ang Shell ng mga shooters kung kayat dapat lang na malalaking imports na puwedeng kumuha ng rebounds ang kinuha ng Turbo Chargers kahit na noon pang Governors Cup. Wala nga talagang puwang si Jones sa Shell dahil mababalewala lang ang mga shooters na kinuha sa Draft.
Iyon na siguro ang na-realize ni Ronquillo sa kasalukuyan kung kayat kinuha nga niya si Johnny Jackson. At maganda naman ang naging performance nito kontra FedEx noong Sabado kahit na natalo ang Turbo Chargers. Sa larong iyon ay nagtala siya ng 21 puntos at 19 rebounds. Iyon ang kailangan ng Shell.
Ang kanyang partner na si Cedric Webber ay nag-average naman ng 28 pntos, 14 rebounds, 5.33 assists, dalawang steals at isang blocked shot sa tatlong laro.
Siguro naman ay okay na ang kumbinasyong ito. Ang dapat na lamang mangyari ay mag-ambag ang mga locals upang hindi maging predictable ang Shell Velocity at makaahon na sila sa hukay!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended